Ill-gotten wealth sa utol ni Imelda Marcos, ibinasura

ni Madel Moratillo | June 27, 2023

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong sibil laban sa kapatid ni dating first lady Imelda Marcos kaugnay ng forfeiture ng kanyang umano’y ill-gotten wealth.
Kabilang na rito ang investments at real estate properties na nakuha umano ni Alfredo Romualdez bago ang 1986 EDSA Revolution.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan Third Division, nakasaad na mismong petitioner sa
kaso ay umamin na bigo itong makapaghain ng full compliance para sana maiwasang mabasura ang kaso.
Binasura rin umano ang kaso dahil sa nalabag na ang constitutional right to the speedy trial ni Romualdez, ang kaso kasi ay inihain noon pang 1996.
Kinuwestyon din ng Sandiganbayan kung bakit naghihintay pa ang Presidential Commission on Good Government ng sagot mula sa National Bureau of Investigation, Department of Trade and Industry, Bureau of Immigration, Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue kaugnay sa Storton Investments and Halston Investments ng respondent noong 2020 gayong alam umano ng petitioner noon pang 2012 na bumili ito ng shares sa Storton and Halston noong 1979 at 1981.





Comments