top of page
Search

Ilegal na online gaming sites, stop

BULGAR

by Info @Editorial | July 19, 2024



Editorial

Inanunsyo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagpapasara ng libu-libong illegal online gaming website sa bansa.


Ito ay isang hakbang na naglalayong labanan ang paglaganap ng ilegal na sugal at maprotektahan ang mga Pilipino mula sa mga panganib na dulot ng mga ilegal na operasyon na ito.


Naglipana na kasi umano ang mga online gambling site sa bansa, kung saan marami sa mga ito ay ilegal ang operasyon.


Makikita pa umano ang mga ito sa iba’t ibang platform tulad ng Facebook ads, mobile applications, offshore sites, at iba pa kung saan umabot na ng 7,747 ang illegal operators ng online games.


Ang mga ganitong uri ng operasyon ay walang regulasyon at madalas na ginagamit sa mga ilegal na aktibidad tulad ng money laundering at iba pang anyo ng kriminalidad. 


Sa pamamagitan ng pagpapasara sa mga illegal website, inaasahan natin na mabawasan ang ganitong uri ng krimen at mapanatili ang integridad ng gaming industry sa Pilipinas.


Nakikipag-ugnayan na rin umano ang PAGCOR sa mga social media company upang tuluyang i-block o burahin ang mga mobile applications na ginagamit sa ilegal na online na pasugalan, pati na ang pakikipagtulungan sa mga mobile payment app sa bansa upang mabantayan ang mga naturang pasugalan.


Sa huli, ang tagumpay ng hakbang na ito ay nakasalalay sa maayos na koordinasyon at balanseng diskarte ng pamahalaan at iba pang mga sektor.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page