top of page

Ilegal mag-park sa harap ng gate ng iba

  • BULGAR
  • Oct 28, 2022
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 28, 2022


Dear Chief Acosta,

Palaging ipinaparada ng aking kapitbahay ang kanyang sasakyan sa driveway ng aking bahay. Ilang beses ko na siyang kinausap, subalit inuulit niya pa rin ito. Ilegal ba ang pagpaparada ng sasakyan sa pribadong driveway? - Chris


Dear Chris,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Sec. 46, Article IV ng Republic Act No. 4136 o mas kilala sa tawag na “Land Transportation and Traffic Code”, kung saan nakasaad na:

“Section 46. Parking prohibited in specified places. - No driver shall park a vehicle, or permit it to stand, whether attended or unattended, upon a highway in any of the following places:

(a) Within an intersection

(b) On a crosswalk

(c) Within six meters of the intersection of curb lines.

(d) Within four meters of the driveway entrance to and fire station.

(e) Within four meters of fire hydrant

(f) In front of a private driveway

(g) On the roadway side of any vehicle stopped or parked at the curb or edge of the highway

(h) At any place where official signs have been erected prohibiting parking.”

Ayon sa batas, may mga lugar na bawal o illegal magparada ng sasakyan at isa rito ay iyong harapan ng itinuturing na pribadong driveway. Bawal pumarada rito dahil nagiging sanhi ito ng perwisyo sa may-ari ng driveway at dapat palagi itong libreng daanan ng may-ari lalung-lalo na sa mga sitwasyong emergency. Kaya naman, labag sa batas ang ginagawa ng iyong kapitbahay at maaari siyang mapatawan ng multa alinsunod sa Section 56 ng nabanggit na batas.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page