Ilang sementeryo, dinagsa bago ang Undas

Oct 31, 2023
1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | October 31, 2023

Nagsimulang dumagsa ngayong araw ang publiko sa mga sementeryo bago ang Undas sa Nobyembre 1.
Ayon kay Yuri Naverra mula sa opisina ng administrasyon ng Manila North Cemetery, umaabot sa 5,000 katao ang bumisita sa sementeryo nu'ng Oktubre 29 at 7,000 katao naman nu'ng Martes, hanggang sa kasalukuyan.
Dagdag niya, mas marami ang pumupunta ngayon dahil papalapit na ang pinaka-Undas.





Comments