Road closure sa Manila at QC, para sa Chinese New Year
- BULGAR
- Jan 19, 2023
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 19, 2023

Isasara ang ilang kalsada sa Metro Manila bilang paghahanda para sa selebrasyon ng Chinese New Year sa Linggo.
Sa isang advisory, ayon sa Manila public information office (PIO), ang bahagi ng southbound ng Jones Bridge ay isasara simula sa Sabado, Enero 21, ng alas-7:00 ng gabi, habang ang bahagi ng northbound ay isasara naman ng alas-10:00 ng gabi.
Isasagawa ito para magbigay-daan sa Chinese New Year Countdown Pyromusical na mapapanood sa Jones Bridge.
Kaugnay nito, ang bahagi ng Banawe Street, mula Cuenco Street hanggang Quezon Avenue, ay isasara rin simula Enero 21, ng alas-9:00 ng gabi hanggang Enero 22, ng alas-9:00 ng gabi.
Paalala sa publiko na maghanap muna ng posibleng ruta at asahan na ang pagbagal ng traffic dahil sa dami ng bilang ng mga indibidwal na makikilahok sa pagdiriwang.
Payo sa mga motorista para sa alternatibong ruta, mula Quezon Avenue:
• Kumanan sa Biak na Bato Street, kumaliwa sa Dapitan Street, kumaliwa sa Cordillera Street, at pagkatapos ay bumalik sa Quezon Avenue.
• Kumanan sa Biak na Bato Street, kumaliwa sa Maria Clara Street, kumaliwa sa D. Tuazon Street, at pagkatapos ay bumalik sa Quezon Avenue.





Comments