Ilang kalsada sa Maynila, isasara para sa Undas 2023
- BULGAR

- Oct 25, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 25, 2023

Magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng road closures at traffic rerouting scheme bilang paghahanda para sa libo-libong tao na pupunta sa mga sementeryo upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Simula Oktubre 31, Martes, ang mga sumusunod na kalsada malapit sa Manila North Cemetery ay isasara:
•Stretch of Aurora Boulevard (from Dimasalang Road to Rizal Avenue)
•Stretch of Dimasalang Road (from Makiling Street to Blumentritt Road)
•Stretch of P. Guevarra Street (from Cavite Street to Aurora Boulevard)
•Stretch of Blumentritt Road (from A. Bonifacio to P. Guevarra Street)
•Stretch of Retiro Street (from Dimasalang Road to Blumentritt Road)
•Stretch of Maceda Street (from Makiling Street to Dimasalang Road)
Maaaring gamitin ng publiko ang mga sumusunod na lugar para mag-park ng kanilang mga sasakyan:
•P. Guevarra Street (from Blumentritt Road to Aurora Boulevard)
•Feliz Huertas Street (from Blumentritt Road to Aurora Boulevard)
•Oroquieta Street (from Blumentritt Road to Aurora Boulevard)
•Simoun Street (from Dimasalang Road to Mayon Street)
Narito ang mga alternatibong ruta para sa mga sasakyang papasada:
•Para sa La Loma at Chinese Cemeteries, gamitin ang Rizal Ave. at J. Abad Santos Ave. bilang daan sa pagpasok o paglabas (at vice versa).
•Ang lahat ng sasakyang galing sa Rizal Ave. na nais magamit ang Blumentritt Rd. ay dapat magpatuloy lamang sa Rizal Ave. patungo sa kanilang pupuntahan.
•Ang lahat ng sasakyang galing sa Dimasalang Rd. na nais magamit ang Blumentritt Rd. ay dapat kumanan patungo sa Makiling St., patuloy sa Blumentritt Ext. patungo sa kanilang pupuntahan.




Comments