Ilang kalsada sa Chinatown, Manila, isasara para sa 2022 Mid-Autumn Festival
ni Lolet Abania | September 9, 2022

Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Chinatown, Manila ngayong Biyernes, bilang bahagi ng selebrasyon ng 2022 Mid Autumn Festival na magaganap sa Setyembre 10.
Isasara muna sa mga motorista ng Setyembre 9, mula alas-5:30 ng hapon onwards, ang mga sumusunod na kalsada sa Maynila:
•Stretch ng Q. Paredes St. mula P. Burgos Ave. hanggang Ongpin St.
•Jones Bridge
•Plaza Cervantes
Ang mga sasakyan na magmumula sa Plaza Ruiz na gagamit o daraan sa Juna Luna St. patungo sa Jones Bridge sa P. Burgos o Intramuros area ay lumiko sa kaliwa sa Muelle Dela Industria St. diretso sa Muelle del Banco National papunta sa destinasyon.
Ang mga sasakyan na magmumula sa Taft Avenue patungo sa Binondo area na gagamit o daraan sa Jones Bridge ay bumagtas sa McArthur Bridge papunta sa destinasyon.
Ang mga sasakyan na magmumula sa Plaza Sta. Cruz na gagamit o daraan sa Dasmariñas St. ay lumiko sa kanan sa T. Pinpin St. papunta sa destinasyon.
Magsisimula ang formal opening ng pagdiriwang ng Mooncake Festival ngayong Setyembre 9, alas-7:30 ng gabi na gaganapin sa harapan ng Filipino-Chinese Friendship Arch sa Binondo sa Manila. Ang iba pang aktibidad kaugnay sa selebrasyon ay magtatapos naman ng Setyembre 10 ng alas-6:00 ng gabi.





Comments