Ilang GSIS offices na pansamantalang magsasara dahil sa COVID-19, alamin
- BULGAR

- Jul 26, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 26, 2020

Pansamantalang magsasara ang Government Service Insurance System (GSIS) head office at sa branch nito sa Quezon City mula July 27-29, 2020 matapos na may nagpositibong empleyado sa COVID-19 test.
“Kinakailangan ang pansamantalang pagsara ng GSIS office sa publiko para masiguro ang kaligtasan ng kalusugan ng lahat. Nagsasagawa na ngayon ng disinfection sa dalawang opisina, contact tracing at pag-monitor sa mga empleyado na nagpositibo sa virus,” sabi ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet.
Sa kabila ng pansamantalang pagsasara, tuloy pa rin ang pagtatrabaho ng mga empleyado sa ilalim ng alternative work arrangement. Maaari namang magsagawa ng transaction para sa mga pensioner, member at kliente gamit ang online. Maaaring mag-email para sa mga katanungan tungkol sa loan at claims na makukuha sa kanilang website.
Bukod pa rito, maaari ring makapagpasa ang mga pensioner ng Annual Pensioners Revalidation (APIR) sa email. Isasagawa ang interview gamit ang Viber, FB Messenger, Skype o Zoom matapos nitong matanggap ang requirements.

Para sa iba pang katanungan, maaari rin silang tawagan sa Contact Center (8-847-4747) at sa kanilang Facebook page sa @gsis.ph





Comments