top of page
Search
  • BULGAR

Ilang gobernor sa South, ‘nganga’ lang sa mga pasugalan

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 5, 2021



MAYOR VICO, TAHIMIK NA NAIPANALO ANG LABAN SA KATIWALIAN, PERO SI P-DUTERTE ANG INGAY, SABLAY NAMAN—Isa si Pasig City Mayor Vico Sotto sa 12 public officials sa mundo na binigyan ng parangal ng United States (US)-State Department bilang Global Anti-Corruption Champion o ‘kampeon’ sa paglaban sa katiwalian.


Dapat gayahin ni P-Duterte ang istayl ng pamamahala ni Mayor Vico sa Pasig City na tahimik na nagtatrabaho, pero may magandang resulta sa paglaban sa korupsiyon.


Ang istayl kasi ng pangulo ay sobrang ingay, halos limang taon nang nagdadadakdak na hate niya ang korupsiyon, pero hanggang ngayon ay talamak ang katiwalian sa national gov’t., dahil ang mga “buwayang lingkod-bayan” kuno ay may mga puwesto pa rin sa Duterte gov’t., period!


◘◘◘


ONLI IN DA ‘PINAS LANG NA ANG SANGKOT SA SMUGGLING, ITINUTURING NA BAYANI—Itinuturing ni AFP (Armed Forces of the Philippines) spokesman, Gen. Edgard Arevalo na “heroism” ang ginawa ng mga tauhan ng PSG (Presidential Security Group) na nagpaturok ng smuggled bakuna upang protektahan sa COVID-19 si P-Duterte.


Anyare sa ‘Pinas? Mantakin ninyo, imbes na imbestigahan at kasuhan ang mga taga-PSG dahil labag sa batas ang smuggling, itinuturing pa silang mga “bayani” ng AFP, boom!


◘◘◘


MATAPOS TALAKAN SI VP LENI, MALAMANG AY SI SEN. LACSON ANG NEXT NA TALAKAN—Sabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson, “failure” o sablay ang “drug war” ni P-Duterte.


Malamang ay matapos talakan ni P-Duterte si Vice-Pres. Leni Robredo sa pagkuwestiyon ng bise-presidente sa pagpapaturok ng gobyerno ng bakunang made in China sa mga Pinoy nang walang positive recommendation sa Health Technology Assessment Council (HTAC), ang next na tatalakan ay si Lacson na nagsabing palpak ang “war on drugs” ng Duterte gov’t., abangan!


◘◘◘


GOVERNOR NG LAGUNA, UMAKSIYON NA, PERO ANG MGA GOBERNADOR NG BATANGAS, CAVITE AT RIZAL, “NGANGA” PA RIN SA GAMBLING—Sa utos ni Laguna Gov. Ramil Hernandez ay hinuli ng mga tauhan ni Laguna Police Provincial director, Col. Serafin Petalio II ang mga kubrador at kabo ng jueteng nina “Ivora”, “Toce” at “Alvarez” sa lalawigang ito.


Mabuti pa si Gov. Hernandez, umaksiyon na laban sa jueteng, pero si Gov. Hermilando Mandanas, “nganga” pa rin sa jueteng nina “Reyes” at “Biskotso” sa Batangas, at “nganga” rin sina Cavite Gov. Jonvic Remulla, Rizal Gov. Rebecca Ynares at Batangas Gov. Hermilando Mandanas sa operasyon ng “Perya ng Bayan” nina “Mr. Yap” at “Manalac” sa kanilang mga nasasakupan, mga buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page