top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ilang empleyado ng travel agency sa QC, tiklo sa panloloko

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 19, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 19, 2024




Naaresto ang limang empleyado ng isang travel agency sa Quezon City matapos tumanggap ng bayad sa ilang kliyente na hindi naman binu-book ang mga ticket.


Agad na nadakip sa ikinasang operasyon ng mg awtoridad ang mga nasabing empleyado sa Brgy. Teacher's Village East.


Ito ay matapos makatanggap ang Anonas Police Station ng mahigit 20 na reklamo laban sa naturang travel agency.


Ayon sa report ng mga pulisya, ilang biktima ang nagbayad gamit ang bank transfer ngunit hindi naman naka-book ang kanilang ticket kaya hindi natuloy ang dapat sana'y kanilang pag-alis.


Dati na ring may reklamo laban sa travel agency nu'ng 2023, at ilang empleyado na nito ang nahuli.


Saad ni Police Lieutenant Colonel Ferdinand Casiano, Anonas Police Station Commander, palipat-lipat lang ang travel agency ng lugar kapag nabubulabog na.


Dagdag ni Casiano, may mga flight namang pinatutuloy ng nasabing ahensiya ngunit kapag marami ang nagbu-book at alam na makakalusot ang kanilang panloloko ay hindi na nila ito ibu-book.


Haharap asa kasong syndicated estafa ang mga inireklamo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page