top of page
WINNER - ISA SA MGA HOSTS NA NANLAIT SA ANAK NI KRIS, NAGPAKITA NA SA NBI_FB Circulated.jp

Ilang buwan matapos ikasal kay Vincent… BEA, OBYUS NA MAY BABY BUMP

Writer: BULGAR
BULGAR
52 minutes ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 21, 2026



FRANKLY - BEA, OBYUS NA MAY BABY BUMP_IG _beaalonzo.empire

Photo: IG _beaalonzo.empire



Pinag-uusapan ngayon sa social media kung buntis na ba si Bea Alonzo sa first baby nila ng mister na si Vincent Co matapos mapuna ng mga netizens na tila may slight ‘baby bump’ ang aktres.


Ipinost ng isang netizen sa Reddit ang latest video ni Bea na kuha sa recent launch ng bagong produkto ng kanyang travel essentials brand at mababasa rito ang caption na: “Is Bea Alonzo expecting? Or just glowing?”


Sa reel ay makikitang blooming nga ang aktres but at the same time ay parang may bahagyang ‘baby bump.’


Samu’t sari naman ang reaksiyon ng mga Redditors at marami ang nagsabi na happy sila if true na preggy na si Bea.

Narito ang mga komentong nabasa namin:


“Any woman will be blooming if she married a billionaire with love.”

“Let’s not speculate. The last time people did, she literally said she had just eaten. So it’s best not to jump to conclusions.”


“‘Pag marami kang pera, talagang glowing ka.”

“May bump lang, eh, expecting na agad?”


“‘Teh, if mayaman ako, everyday din akong blooming.”

Anyway, abangan na lang natin sa mga darating na araw kung masasagot ba ang tanong ng mga netizens kung preggy ba o hindi si Bea. 


Kung kami ang tatanungin, wish namin na true ito because it’s about time na rin naman na magkaroon na siya ng sariling anak at pamilya.





2 yrs. na sila, ‘di pa rin inaalok ng kasal…

ASHLEY, TODO-ASANG SI MAVY NA ANG MAGING ENDGAME



SUPER happy ang Kapuso actress na si Ashley Ortega sa relasyon nila ng boyfriend na si Mavy Legaspi, lalo na’t nakatakda na nilang i-celebrate ang kanilang second anniversary ngayong October 27.


Ayon kay Ashley, may nakaplano na silang simpleng celebration para sa kanilang special day. Hindi man ito bongga, mas mahalaga raw ang pagkakataong makapag-bonding silang dalawa.


“Meron na s’yang pinlan (read: pinlano), pero dinner lang naman, ‘di naman kailangang sobrang bongga,” kuwento ng aktres sa panayam sa Kalurks.


Dagdag pa niya, masaya siya dahil umabot na sila sa dalawang taon ng kanilang relasyon at patuloy pa rin silang strong bilang mag-partner.


“I’m just happy na ang tagal na pala namin. Two years na rin pala ang nakalipas. So going strong and I’m happy and yeah, we’re good,” sey ni Ashley.


Hindi rin naiwasang matanong ang aktres kung napag-uusapan na ba nila ni Mavy ang pagpapakasal. Pag-amin niya, wala pa raw silang konkretong plano tungkol dito dahil pareho pa nilang gustong mag-focus sa kani-kanilang career.


Pagbabahagi ni Ashley, noong nanliligaw pa lamang sa kanya si Mavy, naging honest na siya tungkol sa kung ano ang hinahanap niya sa isang relationship.


“I’m not getting any younger, what I want in a partner, in a relationship, is ‘yung pang-long term na, hopefully,” paliwanag niya.


Gayunman, hindi pa raw nila pinag-uusapan kung kailan sila magse-settle down dahil marami pa silang gustong ma-achieve, lalo na si Mavy na mas marami pang pangarap na gustong tuparin sa kanyang career.


Si Ashley naman ay patuloy ding naghahanda para sa kanyang future goals, kabilang na ang bago niyang venture sa pagnenegosyo.


Kahit hindi pa marriage ang priority ng dalawa, hindi naman itinago ng aktres na umaasa siyang si Mavy na ang lalaking makakasama niya for a lifetime.


Aminado ang aktres na ipinagdarasal niyang mag-work-out ang kanilang relasyon hanggang sa huli dahil gusto niyang ang kasalukuyang boyfriend na niya ang maging kanyang forever partner.


“Sinabi ko naman sa kanya na of course, if sana. Ipinagdarasal ko rin na s’yempre, gusto ko na ‘yung partner ko ngayon, which is si Mavy, na ‘yun na sana,” pahayag ni Ashley.


Pabirong dagdag pa niya, mahirap din daw ang magsimula ulit sa isang bagong relationship matapos ang lahat ng pinagdaanan at nabuo nilang samahan.


“Kasi ang hirap naman na if you’re gonna back to zero again, ‘di ba? Saka ayoko na, ‘noh!” natatawang sey ng aktres.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page