top of page

Ilang beses nang nakunan… HEART, 2 BESES NAG-TRY NG SURROGACY, WA’ EPEK!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | September 7, 2025



Heart Evangelista - IG

Photo: Heart Evangelista - IG



Ibinalita ni Heart Evangelista na dalawang beses siyang nag-try ng surrogacy matapos makaranas ng maraming miscarriage, pero nabigo siya


Dalawa lang daw sa kanyang egg cells ang nabuhay, ngunit ang parehong pagbubuntis ay nauwi sa pagkawala, kabilang ang isa na tumagal ng 4 na buwan.


Sa kabila ng pagdadalamhati, patuloy siyang nagpapaka-ina sa pag-aalaga sa kambal ng kanyang asawang si Chiz Escudero na sina Joaquin at Cecilia.

Itinuturing niyang mga tunay na rin niyang anak ang kambal.


Nauna nang sinabi ni Heart ang tungkol sa kanyang mga paghihirap, kabilang ang isang miscarriage noong 2018 at ang mga pagsubok na kanyang hinarap sa IVF treatment noong 2022.



Ipagluluto raw ng GF niyang si Isabel…

BEA AT VINCENT, INIMBITA NI JOHN LLOYD NA TUMAMBAY SA BAHAY NIYA



NAGKOMENTO si John Lloyd Cruz sa Instagram (IG) ni Bea Alonzo hinggil sa travel post nito sa Dubrovnik, Croatia.


Nagbahagi kasi si Bea ng mga travel photos niya sa Croatia na kilala bilang “King’s Landing” sa Game of Thrones (GOT).


Aniya, “Tambay tayo dito sa bahay ‘pag may time kayo ni Boss Vincent @beaalonzo will ask @isabelreyesantos to seek inspirations to cook. Sarap magluto ‘yun.”


Ikinatuwa ng mga fans ng kanilang love team ang kanyang mensahe kung saan inimbitahan pa niya ang couple na mag-bonding sa bahay niya.


Patunay ito na ang kanilang pagkakaibigan ay intact pa rin matapos ang 21 taon ng pagiging love team.


Hindi napigilan ng mga fans ng tambalang Bea at John Lloyd na muling kiligin matapos mag-iwan ng mensahe ang aktor sa travel post ng Kapuso actress.

Hindi man nauwi sa totoong relasyon sina Popoy (JLC) at Basha (Bea), masaya na rin ang kanilang mga fans dahil natagpuan nila ang dalawang tao na lubos na nagmamahal sa kanila.


Para sa maraming fans, ang simpleng palitan nila ng mensahe online ay sapat na para muling magbalik ang Bea-Lloyd kilig.



BALIK-SINGING ang younger sister ni LA Santos na si Kanishia Santos matapos ang short break.


Napanood namin siya nang mag-guest sa Letters and Music (LAM) sa NET25 kamakailan.


Ibang-iba na ang dating ni Kanishia, unlike before na may pagkamahiyain pa. This time, habang pinagmamasdan namin siyang kumakanta, iba na ang datingan niya — may angas na.


Sabi nga ng mga nakakakilala sa kanya, “She’s back with music that’s bright, bold, and all her own.”


Noong 2021, nag-release siya ng mga una niyang kanta, ang A Little Taste of Danger at Never Feel Pretty.


Noong 2022 ay nag-shift naman siya sa mas vulnerable at melancholic sound sa EP na Born to Cry, isang six-track collection ng napaka-emotional na mga kanta.


Sa ngayon ay nag-renew ng kontrata si Kanishia sa Star Pop, ang sub-label ng ABS-CBN.

Ayon kay Kanishia, parang nagsisimula siyang muli bilang singer dahil iba na naman daw ang kanyang galawan sa pagkanta.


Aniya, “She moves on from her sad girl era to something more vibrant.”

Pag-amin niya, hindi madaling tahakin ang landas na kanyang tinatahak.

“While working on her new music, she took a step back to breathe, reflect, and figure out who she wanted to be as an artist.”


Kumukuha na lang daw siya ng lakas sa kanyang kuya na isa ring singer, si LA Santos.

Aniya, “Si kuya po ‘yung isa sa laging sumusuporta sa akin sa lahat ng ginagawa ko in the industry. Ang daming hardships—doon n’ya po ako igina-guide, knowing that he has been in the industry longer than me. He tells me to rest when I need to and reminds me na laging may time to continue doing my work. I super appreciate him for that.”

Anyway, ang IKYK at Paraiso ang kinanta ni Kanishia sa kanyang guesting. Part daw

‘yun ng kanyang second album called IKYK.


Aside from singing, isa ring stage actress si Kanishia. Kasama siya sa Ang Supremo (AS), isang musical play under Vince Tañada’s Bonifacio.


Host din siya sa programa ng NET25 na Kada Umaga at Radyo Agila’s Kapitbahay (Wednesday edition).


Nakagawa na rin siya ng movie, ang Maple Leaf Dreams (MLD) at Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.


Aside from those achievements, may mga TVC din ang aktres-singer.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page