Ilang araw no show sa It's Showtime… VICE, ‘DI AKO SUSPENDED, NAGBAKASYON LANG AKO
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Mercy Lejarde @Talkies | August 10, 2026

Photo: IG _praybeytbenjamin
Nilinaw ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na nagbabakasyon lamang siya sa Vietnam at hindi siya sinuspinde sa trabaho, taliwas sa kumalat na balita online.
Sa latest episode ng It’s Showtime (IS) sa segment na Laro Laro Pick, napag-usapan ni Vice at ng contestant ang kahalagahan ng pagiging positibo at ang mga bagay na patuloy nitong inaabangan sa araw-araw.
Ayon kay Vice, kahit ano pa man ang mangyari—masaya man, malungkot, stressful, o puno ng pagsubok—patuloy pa rin siyang nae-excite na pumasok sa IS.
“Every day, dapat excited tayo, ‘no? Ang ganda ng inspirasyon na ibinigay mo sa amin ngayon. Ako, everyday, whatever happens—minsan matamis, minsan maalat, minsan mapait, stressful, minsan, masaya—but every day, for 16 years, I’ll still look forward to going to Showtime. Every day, kahit ano’ng ganap, gusto ko pa ring pumasok,” pahayag ni Vice.
Dito na rin nilinaw ng komedyante ang kumalat na balitang sinuspinde umano siya sa IS.
Ayon kay Vice, matagal nang nakaplano ang kanyang pagpunta sa Vietnam at isa lamang itong bakasyon.
“Kaya nu’ng nasa bakasyon ako, gusto ko nang pumasok. Pero bakasyon po ‘yun, ah, ‘di suspension. Echosera ‘tong mga fake news na ‘to,” biro ni Vice.
Ikinuwento rin ni Vice na maging ang kanyang ina ay nagtanong kung totoong sinuspinde siya matapos makita ang mga kumakalat na balita.
“Nanay ko, tumawag, ‘Suspended ka ba?’ Hindi. ‘Ba’t ka nasa Vietnam?’ Nakabakasyon talaga ako ngayon,” kuwento niya.
‘Yun na!
NAGBAHAGI ang aktres na si Rochelle Pangilinan ng isang emosyonal na mensahe sa kanyang social media para sa ika-9 na anibersaryo ng kanilang pagsasama ng kanyang asawang si Arthur Solinap.
Sa kanyang post, tinawag ni Rochelle si Art na kanyang ‘legit na PAPA-PAPA’ at pinasalamatan ito sa patuloy na pag-aalaga at suporta sa kanya at sa kanilang anak na si Shiloh.
Aniya, “My legit na PAPA-PAPA! Happy 9th Anniversary, Bhe! 9 years na agad?! Parang kailan lang, ah!
“Thank you for everything, Bhe. Kahit madalas wala ako sa bahay dahil sa trabaho, alam kong ikaw ang super PAPA-PAPA na laging nand’yan para sa akin at kay Shiloh.
“Salamat sa pag-intindi, pag-aalaga, at pagiging solid mo sa amin.
“Makakatakas din tayo para sa date natin... pero October na, ha! Kapit lang, Bhe, Hahaha!
“Love you always!”
Samantala, hindi rin nagpahuli si Arthur sa pagbabahagi ng kanyang mensahe para kay Rochelle bilang pagdiriwang sa kanilang ika-9 na anibersaryo.
Sa kanyang social media post, sinabi ni Arthur na siyam na taon na silang magkasama at patuloy pa rin nilang pinipiling manatili sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataong magkahiwalay sila dahil sa trabaho.
Ani Arthur, “Happy Anniversary, Bhe!
“9 beautiful, colorful, and minsan crazy years with you. And here we are, still choosing each other every single day.
“Nand’yan ka man ngayon sa UAE (United Arab Emirates) at gumagawa na naman ng history and doing what you love. ‘Di man tayo magkasama ngayon, itong alis mo yata ang pinakamabigat sa akin.
“Naalala ko, nakatingin ako sa ‘yo sa dressing room habang nag-aayos ka at naghahanda para sa flight mo. Pagpasok ko sa room, bigla akong naging emotional.
“Ayoko man sanang umalis ka ulit, but I’ll support your dreams. Kahit saan ka pa dalhin ng dreams mo, nandito lang ako, cheering for you and supporting you all the way.
“Mag-celebrate na lang tayo pagbalik mo. For now, sige lang, go make another beautiful memory and another piece of history.
“Miss na kita agad. I love you forever.”
Happy 9th Anniversary, Art and Rochelle! Wishing you both many more years of love, happiness, and beautiful memories together.
‘Yun lang, and I thank you.





Comments