top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ikinakasa na ang multi-million dollar na laban ni Pacman, pang-boxing kaya o pang-pulitika, abangan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 4, 2020
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | October 4, 2020



EXPERIMENTAL drugs ang ginagamit ni U.S. President Donald Trump.


Meaning, guinea pig ang pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa!


◘◘◘


KINASUHAN na ang mga ehekutibo ng PhilHealth.


Mas mainam ay bitayin agad sila!


◘◘◘


NAGHIHIMUTOK si Rep. Lord Alan Velasco.


Hayaan lang muna nating ilabas niya ang sama ng loob.


Ganu’n lang ‘yun!


◘◘◘


INIAAYOS na ang multi-milyong dolyar na laban ni Sen. Manny Pacquiao.


Sa boxing ring ba o sa pulitika?


◘◘◘


NORMAL na ang galaw ng mga tao sa Metro Manila.


Kahit saan ay gumagala nang malaya ang buong populasyon.


Gobyerno at media na lamang ang “hindi normal”!


◘◘◘


INILALABAS ng media ay negatibong sitwasyon na isolated case lamang.


Pero hindi nito inilalabas ang “mayorya ng eksena” ng normalidad sa Metro Manila!


◘◘◘


ANG nadagdag lang talaga ay ang pagsusuot ng face mask at face shield.

Walang pampasaherong jeep at bus at sarado ang ilang negosyo.

Maliban d’yan ay normal na ang sitwasyon.


Hindi ‘yan ang ipinakikita ng media!


◘◘◘


MAHALAGANG maunawaan natin na normal na ang sitwasyon.


Ang mga nagsipagsaradong negosyo—ay siyang resulta ng COVID-19.


Siyempre, kasama riyan ang nawalan ng trabaho.


Kahit magkaroon ng bakuna, sarado pa rin at marami pang magsasaradong kumpanya—at ‘yan ay “normal” na bunga ng krisis!


◘◘◘


HINDI na magbabalik ang dati—may bago nang normal.


At ang bagong normal ay umiiral na.


Hindi ito nauunawaan ng media at ng gobyerno!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page