top of page

Ikalawang sunod na taon… QC, richest city sa ‘Pinas – COA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | October 17, 2022


Nananatili sa ikalawang sunod na taon ang Quezon City bilang pinakamayamang lungsod sa bansa ng 2021 na may P451 bilyong halaga ng assets, batay sa Annual Financial Report on Local Governments ng Commission on Audit (COA).


Sa pareho ring COA report, nabatid na napanatili ng Quezon City ang top spot na nakabilang sa richest cities kahit na lumiit ang kanilang assets ng P1 bilyon ng 2021 mula sa P452 bilyon noong 2020.


Malayo naman rito ang Makati City na ikalawang pinakamayaman na may P238.5 bilyon, na bahagyang mas mataas kaysa kanilang 2020 assets na umabot ng P238.4 bilyon.


Huling naiulat ang Makati City bilang richest city noong 2019, ang huling taon bago ang COVID-19 pandemic kung saan nagkaroon ng mga quarantine restrictions sa bansa noong Marso 2020.


Kasunod ng Quezon City at Makati City na nasa listahan ng pinakamayamang lungsod para sa 2021 ang mga sumusunod:


• Manila na may P65 bilyon

• Pasig na may P51 bilyon

• Taguig na may P36 bilyon

• Cebu na may P33.3 bilyon

• Mandaue na may P33 bilyon

• Mandaluyong na may P31 bilyon

• Davao na may P26.56 bilyon


Itinuring naman ang Taguig City bilang biggest gainer kumpara sa 2020 figures sa P36 bilyon, at pinakamabuti rin ito sa mga lungsod ng Cebu at Mandaue ng Cebu province.


Umakyat naman ang Mandaluyong na nasa 8th place na may P31 bilyon, na pinalitan ang Zamboanga City na may P21 bilyon at Caloocan City na may P23 bilyon, kung saan nalaglag ang mga ito sa top 10 richest cities ng 2021.


Para sa mga probinsiya, nananatili ang Cebu na pinakamayaman ng isang milya na may P215 bilyon.


Ikalawa ang Rizal na may P30.6 bilyon, kasunod ang Batangas na mayroong P29.7 bilyon.


Nakabilang naman sa top 10 wealthiest provinces ang mga sumusunod:


• Davao de Oro na may P23.211 bilyon

• Bukidnon na may P19.455 bilyon

• Negros Occidental na may P18.025 bilyon

• Ilocos Sur na may P17.907 bilyon

• Iloilo na may P17.399 bilyon

• Isabela na may P16.419 bilyon

• Palawan na may P16.109 bilyon


Ayon sa COA, ang Quezon City, Makati City, at Cebu province lamang ang nakapag-record din ng assets totaling P100 billion at pataas para sa ikalawang sunod na taon mula sa mga local governments.


Samantala, covered ng 215-page report ang financial statements ng 1,676 LGUs kabilang ang 81 probinsya, 146 lungsod, 1,488 munisipalidad, 22,680 barangay at ang Bangsamoro Government.


Ayon pa sa COA, “there was a 97.7% compliance by the country’s 1,715 LGUs in submitting their financial statements for audit.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page