top of page

 Ika-5 sunod na finals seat kinagat ng NU Bulldogs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 days ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | May 3, 2026



Dobleng depensa ang ginawa ni #18 Regina Grace Jurado at #5 Avril Denise Bron ng UST Golden Tigresses sa palo ni #18 Arah Ella Panique ng NU Lady Bulldogs sa UAAP Season 88 Women's Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum

Photo: Dobleng depensa ang ginawa ni #18 Regina Grace Jurado at #5 Avril Denise Bron ng UST Golden Tigresses sa palo ni #18 Arah Ella Panique ng NU Lady Bulldogs sa UAAP Season 88 Women's Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon. (Ben Maniclang via Bulgar)


Mga laro sa Miyerkules

(MOA Arena)

Separate ticket

Best-of-3 Finals

12 noon – FEU vs NU (Men Finals)

5 p.m. – DLSU vs NU (Women Finals)


Magkakaroon ng ikalawang pagkakataon ang NU Lady Bulldogs na madepensahan ang korona na kakagat sa ika-5 sunod na finals appearance matapos tuldukan ang ratsada ng UST Golden Tigresses sa 20-25, 26-24, 26-24, 25-21 kasunod ng mahusay na pagmamando sa opensa ni ace playmaker Camila “Lams” Lamina para harapin ang undefeated na DLSU Lady Spikers, kahapon sa UAAP Season 88 volleyball tournament stepladder semifinals sa Smart Araneta Coliseum.


Bukod tangi ang naging pagpapakita ng kahusayan sa pagpapatakbo ng opensa ng Lady Bulldogs ng 24-anyos na two-time Best Setter at sa eksaktong laro ng mga spikers na sina Arah Panique at Vange Alinsug, gayundin si middle blocker Chamy Maaya. “Very happy kase lahat kami talagang pinagtrabahuhan namin itong game na ito kase very crucial, do-or-die game and very happy ako sa performance ng team, sana magtuloy-tuloy siya hanggang championship,” pahayag ng 5-foot-7 setter na tubong Guimaras na namahagi ng 34 excellent sets, kasama ang anim na digs, at tatlong puntos, na makakalaban ang La Salle sa pang-apat na pagkakataon.

 

Very challenging talaga yung La Salle,  kase kumpleto sila and kami naman all we have to do is back to basic and prepare kung ano talaga yung usual na preparation namin sa team at yung preparation. Iisang mindset pa rin, is to get the championship crown.”


Nanguna sa atake si dating Alas Pilipinas hitter Arah Panique sa 23 puntos na sinundan ni senior spiker Alinsug sa 18 marka habang umiskor si Maaya ng 14 puntos at Alexa Mata sa 9 puntos at apat na digs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page