Igalang ang imbestigasyon ng board sa PATAFA-Obiena

ni Gerard Arce - @Sports | November 28, 2021

Rerespetuhin at hihintayin na lang umano ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang isinasagawang imbestigasyon ng board committee patungkol sa kuwestiyunable liquidation at isyu sa bayarin sa foreign coach ni 2020 Tokyo Olympian Ernest Obiena na si Vitaly Petrov ng Ukraine, bago sila magbigay ng desisyon at tugon sa maraming katanungan.
Nais liwanagin ng PATAFA ang totoo sa likod ng lumaki lang na isyu ng liquidation at suweldo ng foreign coach, kung saan mismong ang coach kasama ang 1988 Seoul Olympic gold medalist at National Olympic Committee chief ng Ukraine na si Sergey Bubka ang nakipag-ugnayan kay PATAFA president Philip Ella Juico noong Set. 9, 2021.
“The investigation is ongoing, and I want to respect it. I’m sure shortly, there will come out with their own findings. because basically it’s all about documentaries and facts. We would like to wait for that siguro I want to say is what’s with the investigation,” pahayag ni Juico, kahapon ng umaga sa TOPS Usapang Sports on Air.
“Naka-focus kami sa issue, pabayaan natin yung investigation, kaya ayaw naming magsalita eh kase ayaw naming maguluhan yung mga tao, yung mga nag-iimbestiga at binigyan sila ng mandato at gusto naming galangin. Yun lang naman eh, may nag-report, pinatingnan namin, iniimbestigahan, eh kung ano-ano yung mga pumapasok na issue na harassment, pati ang ibang tao pumasok, andami-daming nagsasalita’t sinasabi,” ani Juico sa forum na suportado ng PSC, Games and Amusement Board at PAGCOR.
Naunang pinilit na mamagitan ng Philippine Sports Commission (PSC) kina Obiena at sa PATAFA at hiniling na manahimik habang tumatakbo ang imbestigasyon at piliting maayos ang gusot.
Nilinaw pa ng 73-anyos na dating PSC chairman na nais nilang manatili ang problema sa asosasyon at huwag ng palalain pa na sa tingin niya ay nagka-isyu dahil sa maling impormasyon at nadagdagang mga pahayag.
Gusto lang malaman ng PATAFA kung tunay na nabayaran si Petrov noong 2018, 2019 at 2020 na base sa liquidation ay nabayaran naman daw ito kinalaunan, kung saan lumabas sa liquidation na nabayaran ito nitong Nobyembre 4, 5 at 9, na siyang naging malaking katanungan na maaaring na-doble pa ang bayad dito.





Comments