top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Idolong Secretary, inaabangan ng karerista

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 10, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 10, 2022


Nais mapanood muli ng mga tagahanga ni Secretary na rumarampa ang kanilang idolo sa pista.


Malaking tuwa ang mga karerista nang malaman ang magandang balita na naghayag ang connections ni Secretary na sasali ito sa 2022 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Stakes race na ilalarga sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Oktubre 22.


Ang ibang nagsaad ng paglahok sa distansiyang 1,300 meter race ay sina Istulen Ola, Jaguar, Love Radio, Rendevouz, Rocking Bell, Rough Cut at Sonic Clay na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce.


Gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate, pakay ni Secretary na masilo ang panalo sa karerang nakalaan ang P1.8M garantisadong premyo na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.


Kukubrahin ng mananalong kabayo ang tumataginting na P1,080,000, habang tig-P360,000 at P180,000 ang hahamigin ng 2nd at 3rd placers ayon sa pagkakasunod.


Magbubulsa rin ng P90,000, P54,000 at P36,000 ang fourth, fifth at sixth ayon naman sa pagkakahilera sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Samantala, nagwagi si Kummander sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na pinakawalan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite, kahapon.


Nirendahan ni Oneal Cortez, inilista ni Kummander ang tiyempong 1:32 minuto sa 1,400 meter race sapat para sikwatin ng winning horse owner ang added prize na P20,000.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page