Idol daw niya… SHUVEE, SOBRANG PROUD NA IKINUKUMPARA KAY MELAI
- BULGAR

- Aug 14
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 14, 2025
Photo: Shuvee at Melai sa Kuan On One - YT / ABS CBN
Sobrang proud ang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate na si Shuvee Etrata nang ikumpara siya ni Direk Johnny Manahan kay Melai Cantiveros. Malaking privilege raw para sa kanya ang ihalintulad kay Melai na kanyang iniidolo.
Well, nasubaybayan ni Shuvee ang pagsikat ni Melai mula nang maging Big Winner sa PBB. Pareho silang Bisaya at mahilig magpatawa kaya marami ang naaaliw kina Melai at Shuvee.
Sey naman ni Melai, napakaganda ni Shuvee at matalino pa. Pero para kay Shuvee, si Melai ang patunay na ang mga babaeng Bisaya na napadpad sa Maynila ay hindi lang pagiging yaya ang kayang gawin. Puwede rin silang sumikat at kayang pumantay sa iba.
Hindi sila papayag na api-apihin at tapak-tapakan ng sinuman tulad ni Shuvee Etrata na palaban sa buhay at hindi agad sumusuko sa hirap at mga pagsubok na kanyang pinagdaanan bago nakamit ang tagumpay.
EXCITED at masayang-masaya ang StarStruck 4 Ultimate Female Survivor na si Kris Bernal sa kanyang pagbabalik sa Kapuso Network.
Pumirma ng kontrata si Kris sa Sparkle GMA Artist Center at muling gagawa ng serye. Hindi niya akalain na muli pa siyang makakabalik sa GMA Network.
Taong 2019 nang siya ay mag-lie-low sa kanyang showbiz career at nagpakasal sa businessman na si Perry Choi. Biniyayaan sila ng isang anak na babae.
May sarili ring negosyo si Kris — ang SHE Cosmetics. Nauna rito ay may coffee shop siya at burger house.
Well, buhay-prinsesa si Kris sa piling ng kanyang rich hubby na si Perry.
Ipinagpatayo siya ng mansion at panay ang travel nila abroad.
Marami ang naiinggit sa kanyang magandang suwerte pero nami-miss ni Kris ang pag-arte. At very supportive naman ang kanyang mister at pinayagan siyang balikan ang kanyang acting career.
Sayang nga lang at wala na sa GMA Network si Aljur Abrenica na dati niyang ka-love team. Puwede sana silang muling magtambal. Nag-click noon ang kanilang tambalan.
MALAKING hamon sa kakayahan ni Direk Johnny Manahan a.k.a. Mr. M ang kanyang pagpasok sa Kapatid Network, ang TV5. Muling masusubok ang pagkakaroon ni Mr. M ng Midas’ touch. Marami siyang pinasikat na artista noong bahagi siya ng ABS-CBN (Kapamilya Network).
Si Direk Johnny ang humubog sa malalaking artists noon ng ABS-CBN tulad nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Kim Chiu atbp..
May mata si Mr. M kung sinu-sinong baguhan ang may potensiyal na sumikat at may talent sa pag-arte. Kay Direk Johnny ipinagkatiwala ng ABS-CBN ang lahat ng kanilang malalaking artista at hindi nabigo si Mr. M na pasikatin ang mga ito.
Magaling din siya sa strategy at mga gimmicks kung paano ilapit ang mga artista sa mga fans at kung paano i-promote ang mga pelikula ng Star Cinema.
Nang magsara ang ABS-CBN, sa GMA Network naman napunta si Direk Johnny. Dito ay ginabayan niya ang mga baguhang artista at nabuo ang GMA Sparkle Artist Center.
Nang matapos ang kanyang kontrata sa Kapuso Network, sa TV5 (Kapatid Network) napadpad si Mr. M. Ipinamahala sa kanya ang musical show na VIBE.
May mga netizens ang nagpayo na dapat nang tumuklas ng kanilang sariling roster of talents ang TV5 na maaalagaan at pasisikatin ni Direk Johnny Manahan.
Good idea ‘yan!
RIGHT decision para kay TJ Marquez ang kanyang pagpirma ng kontrata sa GMA Sparkle Artist Center. Matagal din naman siyang Kapuso artist, lumabas na siya sa ilang serye ng GMA-7. Naudlot lang ang pagsikat niya nang husto dahil mas pinili niya at naging prayoridad ang mga offer na shows abroad. Mas luminya si TJ sa kanyang pagiging singer/performer.
Pero ngayon, na-realize ni TJ na puwede naman niyang pagsabayin ang kanyang acting at singing career. Pinayuhan din siya ng mga kaibigang Kapuso actors na balikan ang kanyang pag-arte at mag-concentrate rito. Maging ang mga fans ni TJ Marquez ay natutuwa sa desisyon niyang magbalik sa GMA Network. Kayang-kaya naman niya na makipagsabayan sa mga sikat na mga Kapuso stars.










Comments