top of page
Search
BULGAR

Idol daw ang Kapamilya actress… BARBIE, GUSTONG MAKATRABAHO SI KATHRYN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 21, 2024



Showbiz News

Ayaw mang isapubliko ni David Licauco ang kanyang love life, no choice ang Chinito actor kundi aminin kahapon sa grand mediacon ng kanilang movie ng ka-love team na si Barbie Forteza na That Kind of Love na hindi na nga siya "single" ngayon.


Although hindi tuwiran ang pag-amin ni David sa kanyang girlfriend, ang sabi lang niya ay "What you see is what you get na lang."


Napaamin nga si David dahil sa tanong namin kung mahirap ba para sa kanya ang magka-girlfriend dahil nakatali siya sa BarDa love team nila ni Barbie at medyo possessive ang ilang fans na gustong sila ang magkatuluyan kahit pa may Jak Roberto rin naman as boyfriend ang Kapuso actress.


At dahil mukhang nahirapan ngang sumagot si David sa pang-uurirat namin, sinalo na siya ni Barbie at ito na ang nagpaliwanag na sa pagkakakilala niya sa ka-love team, ito ang tipo ng taong gustong 'private' ang kanyang love life, hindi tulad nila ni Jak na very open sa public.


Pero in fairness sa BarDa love team, hindi naman nila pinapaasa ang mga fans sa mga pakilig nila sa kanilang mga TV shows, guestings, promo tour at maging dito nga sa kanilang latest movie na That Kind of Love na mula sa collaboration ng Pocket Media Films at Happy Infinite Productions Inc., at released ng Regal Entertainment.


Kung meron man daw silang 'that kind of love' para sa isa't isa, 'yun ay support at pagke-care bilang magkaibigan at magkatrabaho para sa success ng kanilang mga projects together.


Samantala, napanood namin sa mediacon kahapon ang trailer ng That Kind of Love at totoo palang malakas ang chemistry nina Barbie at David. 


Sabi nga namin kay Barbie, napuna naming mala-Kathryn Bernardo sa rom-com movies ang level of acting niya at nagpakatotoo naman ang kikay na aktres na idol din niya si Kathryn at sana nga raw, one day ay mabigyan din sila ng chance na magkasama sa isang project.


Well, any takers? Parang puwede silang mag-best friend or magkaribal, sey n'yo?  

Anyway, showing na ang That Kind of Love sa July 10 mula sa direksiyon ni Catherine Camarillo.


 

Kahit wala pa silang 1 year ng GF… 

GERALD, GAME NANG MAGPAKASAL



Gerald Santos


LDR o long-distance relationship man ang setup nina Prince of Ballad Gerald Santos at ng kanyang non-showbiz girlfriend na from US military na si Grace, going stronger naman daw sila kahit wala pang one year ang kanilang relasyon.


Medyo selosa man daw si Grace dahil ‘di nito naiintindihan na minsan ay kailangan niyang maging close sa kanyang mga katrabaho sa Miss Saigon, nahihilot naman ni Gerald ang GF dahil ‘di niya ito binibigyan ng rason para magduda sa kanya.


Sa edad niyang 33 ngayon, aminado ang magaling na Miss Saigon singer na dapat na rin siyang mag-asawa at financially ready na rin naman daw siya. Naipagpatayo na niya ng bahay ang kanyang parents at may 3 negosyo na rin siya na sinimulan nu’ng pandemic.


Hindi pa raw siya nagpo-propose sa GF pero ito na ang nakikita niyang makasama habambuhay.


Hiling lang ni Gerald na suportahan pa rin siya ng mga fans niya at ‘wag pagselosan ang kanyang GF na darating pala days before his 18th anniversary concert on June 29 sa Music Museum titled Grateful.


Special guests ni Gerald sa Grateful ang kanyang hinahangaan ding singer na si Ogie Alcasid at si Rita Daniela.


Samantala, thankful ang Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd kay Gerald nang dumalo ito sa announcement of nominees para sa 7th EDDYs ng SPEEd na gaganapin sa July 7 sa Marriott Grand Ballroom Ceremonial Hall ng Newport World Resorts sa Pasay City.


Ang kabuuan ng Gabi ng Parangal ay may delayed telecast sa AllTV sa July 14, 10 PM.


Ang 7th The EDDYs ay muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon na siya ring nagdirek ng ika-6 na edisyon ng The EDDYs last year.


Ang Brightlight Productions naman ang magsisilbing line producer ng awards night sa July 7, 2024.


 

MATAPOS ang matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership with Bb. Pilipinas organization. 


Proud na sinalubong ni Ms. Rei ang mga official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters nitong Friday, June 14, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mga kababaihan sa entrepreneurship at self-care. 


Kabilang sa spotted candidates ay sina Bb. Baguio, Bb. Quezon City, Bb. Bacolod City, Bb. Zamboanga City, Bb. Batangas City, Bb. Negros Occidental, Bb. Quezon Province, Bb. Bukidnon, Bb. Cavite, Bb. Pampanga, at Bb. Mandaluyong.


“I hope this partnership will inspire and empower Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin, and whatever career path they choose to be in," saad ng CEO ng sikat na skin care brand. 


Dagdag ni Ms. Rei, “Binibining Pilipinas organization has been helping women for so many years. I’m grateful for this partnership, celebrating talented, smart, and beautiful Filipinas. These young women may find inspiration and learnings from what I went through in my business journey. I am willing to share what I can and impart guidance." 

Last May 22 naman nang pumirma ng kontrata si Tan kasama ang ilang Bb. Pilipinas executives. 


Inanunsiyo rin ng business magnate na ang makakasungkit ng Ms. Beautéderm title ay mag-uuwi ng P500,000 worth of products para sa negosyo at P150,000 cash sa coronation night. 


"For the Ms. Beautéderm title, we want a proud Filipina who is aspirational, confident, and has a heart for others. We cannot wait to crown the Ms. Beautéderm on coronation," pagbabahagi ni Tan. 


Tutukan ang 60th Binibining Pilipinas coronation night sa July 7 sa Araneta Coliseum with Beautéderm as the official skincare partner. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page