Idinemanda ng P1 B ng kongresista dahil sa mapanirang comment… P20 M, HIRIT KAY ENCHONG PARA LUSOT NA SA CYBER LIBEL CASE
- BULGAR

- Sep 13, 2024
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 13, 2024

Hindi pa rin pala tapos ang isang bilyong pisong demanda para sa cyber libel case na isinampa laban kay Enchong Dee ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim, partylist representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER, noong 2021.
Ito ang chika ni Jobert Sucaldito sa Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon o OOTD vlog kasama si Direk Chaps Manansala na ini-upload nitong Miyerkules nang gabi sa YouTube (YT) channel.
Kuwento ng co-host ni Direk Chaps ay nagkausap sila ni Congw. Claudine tungkol sa kaso ni Enchong.
Nag-ugat ang isyu nang mag-post si Enchong sa kanyang X (dating Twitter) account — na burado na ngayon — ng malisyosong komento tungkol sa magarbong kasal ng congresswoman na ginanap sa Balesin Island Resort, Polillo, Quezon noong Hulyo, 2021.
May pahaging na tila galing sa pondo ng DUMPER ang ipinanggastos sa kasal ni Congw. Bautista-Lim at ng asawa nito without checking kung ano ang estado sa buhay ng bagong kasal.
Bungad ng chika ni Jobert sa OOTD, “Sinamahan ko lang si Mama Daisy (Romualdez) sa Congress kasi meron silang engagement na pinag-uusapan (staff ng pulitiko).
“Ngayon, I saw this lady na nakaupo sa malaking office table, ang ganda-ganda n’ya, ang ganda ng damit, so sabi ko (isip ko), parang congresswoman ‘to, eh, kaya in-approach ko. Sabi ko, ‘You look familiar, Ma’am, are you a congresswoman?’
“Sabi n’ya, 'I am Claudine Bautista-Lim.' O, kita mo, na-familiar sa ‘kin, ito ‘yung kalaban ni
Enchong Dee!”
Binalikan nina Direk Chaps at Jobert ang episode nila ilang linggo na ang nakararaan na naging topic nila si Enchong dahil nahihirapan daw dumalo sa hearing ng kaso nito sa Davao Occidental at nanghingi na raw siya ng tulong sa mga kaibigan niya.
“Nahihirapan na pupunta s’ya roon (Davao), ang layo, tapos walang dumarating at naka-cancel ang mga hearing. Kawawa naman talaga (si Enchong),” sambit ni Direk Chaps.
Sey naman ni Jobert, since wala nang ingay o update sa magkabilang kampo ay inakala ng marami na tapos na ang kaso o nagkasundo na.
“Kaya tinanong ko. Sabi ko, ‘Madam, how is the case? Tapos na ba ‘yung kaso ninyo ni Enchong?'” tanong nito kay Congw. Claudine.
“Sabi niya, ‘No, ‘di pa tapos. You know what, masyado talaga kaming nasaktan.’ Nainsulto sa ipinost (ni Enchong).
“Sabi pa, 'In fact, when I was four months pregnant, muntik na akong magka-miscarriage (dahil sa stress)'.
“As years went by, s’ya (Congw. Claudine) naka-move on na, pero ang na-offend daw nang husto up to this day ay ang kanyang husband, because he is a private businessman at galing sa prominenteng pamilya at mayaman.
“Sabi n’ya (Congw. Claudine) 'Isipin mo, Jobs, ‘yung husband ko, he handles 18 branches from different areas in Mindanao ng Toyota (dealer),'” kuwento ni Jobert base sa usapan nila ng lady cong..
Ano na nga ba ang mangyayari sa kaso ni Enchong?
Tanong ni Jobert, baka puwedeng kumbinsihin ni Congw. Claudine ang asawa na tapusin na since nag-public apology na ang aktor?
“Sinubukan naman daw n’ya (i-convince), pero ang sabi raw ng husband n’ya at kasama s’ya (Congw. Claudine), they are demanding P20 million for danyos perhuwisyo ni Enchong Dee para raw mai-donate nila sa scholarship at kung kanino pa,” sey ni Jobert.
Sa pagkakaintindi namin, kung nag-demand ng P20 million ang husband ni Congw. Claudine, ibig sabihin ay ito ang gustong settlement at hindi na magbabayad si Enchong ng P1 billion na base sa isinampang kasong cyber libel?
“Anyway, ang katwiran pa, kaya P20 milyon ang hiningi ay hindi naman daw nila kailangan ‘yung pera kasi they have their own money. Sabi ko, ako sana, I am praying na sana, matapos na,” say ni Jobert.
Bukas naman ang BULGAR mula sa panig ni Enchong Dee o ng kampo nito tungkol sa isyu.




Comments