Idinaan lang sa promo para umingay… LINLANG SERYE NINA KIM, PAULO AT JM, BASURA!
ni Ambet Nabus @Let's See | January 4, 2024

Sa todo-todong promo ng Linlang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman at mapapanood na sa mainstream TV ng Kapamilya Channel, TV5 at iba pa nilang platform, masasabi ngang keri pa rin ng ABS-CBN na mang-'ewan' ng mga televiewers.
Pero sa aming mga nakapanood na at natapos ang panonood nito sa Prime Video (nag-subscribe kami, ha?), ayaw na naming magpa-"Linlang" 'noh!
Hahayaan na lang naming ma-stress ang mga gustong ma-stress sa ganitong klase ng storytelling na mapanloko at nakakainsulto.
Wala namang kuwestiyon sa husay ng mga artistang kasali sa show, pero 'yung para paglaruan ang inyong sensibilidad at talino sa mga obvious na bahagi ng kuwento, baka basagin pa ninyo ang inyong mga TV sets sa inis, hahahaha!
Ni hindi nga nasagot ang mga tanong sa serye hinggil sa kung paanong dapat naparusahan ang mga gumawa ng masama sa mga karakter, pati na 'yung ibang artista na nag-viral ang walang kalatuy-latoy na pag-arte.
Shall we go on with the kind of moral values the show tries to explore and seemingly make them natural?
Sa sobrang pag-exaggerate ng promo ng show, aakalain ninyo tuloy na the best na ito gayung hello, puwede itong ihilera sa mga basurang TV shows ng ABS-CBN. Sa totoo lang!!!
Sayang lang ang subscription namin at hindi kami ang klase ng audience na para sa mga ganu'ng palabas.





Comments