‘Ideyang VP Leni’, sipag ng mga Pinoy ang mag-aahon sa ekonomiya, ‘diskarteng P-Duterte’, sugal lang
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 10, 2021
DAPAT YATA MAG-SEMINAR ANG OP SA OVP SA TAMANG PAGKOLEKTA NG TAX—Pinag-operate na ni P-Duterte ang lahat ng uri ng pasugalan sa bansa para umano makatulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ang dapat yata sa Office of the President (OP) ay mag-seminar sa OVP (Office of the Vice-President) kung paano ang tamang paglikom ng tax kasi kung inyong matatandaan ay pumatok ang ideyang online community mart ni Vice-Pres. Leni Robredo na nag-start noong May 11, 2022 sa Pasig City at umabot ito hanggang Zamboanga City, nagkaroon ng kita rito ang mga grocery stores, hindi nawalan ng trabaho kanilang empleyado, kumita ang mga tindera sa palengke at nagkahanapbuhay ang mga tricycle driver sa pagde-deliver ng order, at dahil sila ay kumikita sa mabuting paraan ay nakapag-aambag sila ng tax sa pamahalaan.
Pero noong July 20,2020, inirekomenda ng VP kay P-Duterte na suportahan ang mga pabrika ng tela at mga mananahi sa paggagawa ng PPEs (Personal Protective Equipments) kasi kapag pumatok ito at umangkat sa atin ang ibang bansa ay makatutulong ito sa ekonomiya ng Pilipinas, kaya lang dinedma ito ng pangulo at mas ninais umangkat sa China.
Sa ideyang VP Leni, sama-samang sipag ng mga Pinoy ang mag-aahon sa ekonomiya ng bansa, pero sa diskarteng P-Duterte na pag-open ng mga pasugalan ay agrabiyado ang mamamayan kasi gambling lords ang gagamitin para huthutan ang mga mananaya upang magka-tax ang pamahalaan, period!
◘◘◘
MAS SAFE PA ANG NIGERIA KAYSA SA PILIPINAS?—Sa datos ng Global Finance safety index, number 1 sa pinaka-safe na bansa sa mundo ang Iceland at kahilera ng Pilipinas ang Nigeria sa least safe country.
Ang nakalulungkot, pang-134 ang Pilipinas at pang-131 ang Nigeria, na ibig sabihin, mas safe pa pala ng kaunti sa Nigeria kaysa Philippines, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
HINDI MATANGGAP NG MGA DDS NA KULELAT ANG ‘PINAS KASI PANIWALA NILA AY PINAKA-SAFE ITO SA BUONG MUNDO—Ang pinagbatayan ng Global Finance sa datos nilang ito ay tungkol sa tatlong sitwasyon na nangyayari sa bawat bansa, una, sa war and peace; pangalawa, sa personal security at pangatlo, sa natural disaster risk, kabilang d’yan ang pananalasa ng COVID-19.
Dahil ‘yan ang ginawang batayan, may basehan nga ang Global Finance sa inilabas nilang datos na kulelat sa safest country ang Pilipinas, kaya lang hindi ito matanggap ng mga DDS (Duterte Diehard Supporters) dahil para sa kanila ay number 1 ang Philippines sa pinaka-safe na bansa sa mundo, boom!
◘◘◘
KUNG SERYOSO SI P-DUTERTE NA PUKASAIN ANG MGA KORUP, SANA HINDI NAKALAYA ANG MGA PLUNDERER SA KANYANG GOBYERNO—Sabi ni P-Duterte, hindi maaalis ang korupsiyon sa pamahalaan, pero gumagawa siya ng paraan paano ito mapupuksa.
Kung seryoso si P-Duterte sa sinabi niyang ‘yan, sana ay hindi nakalaya sa kanyang administrasyon ang mga dati’y nakakulong na mga plunderer, period!





Comments