top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ibobotong pangulo at bise, pag-isipang mabuti, para ‘di magsisi nang 6 years

BULGAR
May 8, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 8, 2022


HUWAG SANANG MAGKAMALI ANG MAMAMAYAN SA PAGBOTO SA MGA PRESIDENTIABLES AT VICE PRESIDENTIABLES – Eleksyon na po bukas.


Panawagan natin sa ating mga kababayan na kilatasin mabuti ang pagkatao ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente, alamin ang kanilang track record sa public service.


Huwag sanang magkamali ang majority Pinoys sa pagpili ng magiging next president at vice president kasi anim na taon silang manunungkulan, na sana sa kalaunan ay hindi magsisi kung bakit naiboto ang mga kandidatong hindi naman pala karapat-dapat sa posisyon.


Tandaan lagi, walang pagsisisi sa una, dahil ang lahat ng pagsisisi ay nasa huli, period!


◘◘◘


KUNG ANG KANDIDATO SA PAGKA-SENADOR WALANG NAGAWANG BATAS PARA SA KAPAKANAN NG MAMAMAYAN, IBASURA SILA SA HALALAN – Sa mga kandidato naman sa pagka-senador, kilatasin din ang kanilang mga pagkatao, at dapat gamitin ng mamamayan ang utak sa pagboto.


Isa sa dapat isaisip ng mga botante ay kung ang mga sikat na trapo (traditional politician) na lagi nilang ibinoboto kada eleksyon ay kung may ginawa ba sa Senado para sa kapakanan ng mamamayan?


Kung walang nagawa sa kapakanan ng mamamayan, aba'y dapat i-reject ang trapong kandidato kasi kapag naluklok uli ang mga ito ay wala na naman silang gagawing batas para sa ikabubuti ng pamumuhay ng sambayanang Pinoy, boom!


◘◘◘


I-REJECT ANG MGA KANDIDATO SA PAGKA-KONGRESISTA NA SABIT SA PORK BARREL SCAM – Sa mga kongresista naman, alamin din ng mga botante ang kanilang mga pagkatao.


Kung ang kandidato sa pagka-kongresista ay nasabit sa pork barrel scam o may kaso sa Ombudsman, isa lang ibig sabihin n’yan, buwaya ang kandidatong 'yan, kaya't dapat ibasura 'yan sa halalan, period!


◘◘◘


IBASURA NA SA HALALAN ANG MGA POLITICAL DYNASTY – Sa local positions, kapuna-puna na karamihan sa mga kandidato ay magkakamag-anak na pulitiko.


Sana naman, ngayong halalan ay ibasura na ng mga botante ang mga kandidatong mula sa political dynasty, na ang feeling ng mga ito sa mga posisyon sa gobyerno ay family corporation nila, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page