Ibinulgar ni Michael V... RUFA MAE, PINAKAPASAWAY SA LAHAT NG NAGING CAST NG BUBBLE GANG
- BULGAR

- Jul 6, 2025
- 4 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 6, 20255
Photo File: Rufa Mae Quinto - IG
Matagal din na naging bahagi noon ng Bubble Gang (BG) si Rufa Mae Quinto (RMQ). Siya ang halos nakasabayan ng mga orig na cast ng BG.
At ayon kay Michael V., si Rufa Mae ang pinakapasaway sa lahat ng artistang kasama sa comedy show. Madalas siyang napagsasabihan at sinasaway sa pagdadala ng cellphone kapag nasa taping ng BG.
Pero sadyang makulit si RMQ at hindi maawat sa paggamit ng cellphone.
Pambawi niya, kapag eksena na niya ang kukunan ay kabisado niya ang kanyang linya at magaling ding mag-adlib. Hindi siya nasasapawan ng kanyang mga kasamahan sa BG.
Kaya naman, nami-miss ni Michael V. ang pagiging kikay at jologs ni RMQ sa set.
Maging si Chariz Solomon ay hanga sa pagiging comedienne ni Rufa Mae. Wish nila na mai-guest si RMQ sa BG.
Kahit ‘di pa magka-level… BARBIE AT KYLINE, PANTAPAT NG GMA-7 KAY KATHRYN
MAGANDA ang plano ng GMA Network para kina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Ginu-groom sila upang ipantapat kay Kathryn Bernardo.
Although milya-milya na ang lamang ni Kathryn kina Barbie at Kyline in terms of popularity, still, lumalawak at lumalaki ang fan base ng dalawang Kapuso actresses.
Ang bagong henerasyon ng mga tagahanga ang market nina Barbie at Kyline. Maraming kabataan ang humahanga sa kanila at tumatangkilik ng kanilang mga shows.
Well, “slowly but surely” ang formula ng GMA-7 kina Barbie at Kyline. At hindi naman sila madedehado kahit na makasabay nila si Kathryn sa mga regional shows. Ibang-iba ang taglay na karisma ng dalawa sa mga fans kumpara kay Kathryn.
Plus factor din kay Barbie na ka-love team niya si David Licauco na malakas din ang hatak sa mga fans.
NO regrets ang Kapuso actress na si Katrina Halili na nag-lie low siya sa kanyang showbiz career for three years. Ginugol niya ang panahong ‘yun sa pag-aalaga at pagtutok sa kanyang anak na si Katie na may mild autism. Ipinadama niya sa kanyang nag-iisang anak ang pagmamahal at pag-aaruga rito.
Hindi muna pumirma ng kontrata si Katrina Halili sa GMA-7 upang hindi siya maobligang tumanggap ng project. Namalagi si Katrina sa kanyang resort sa Palawan kasama ang kanyang anak na si Katie.
Naging mabait, magalang at masunuring anak si Katie. Hindi siya naging pabigat sa kanyang mom.
Sa vlog ni Katrina, isinasama niya ang kanyang anak, at maraming viewers ang nagkakagusto sa ipino-post nilang bonding moments at kulitan.
Marami na ring mga fans si Katie ngayon.
Samantala, may mga netizens ang nagtatanong kung may love life ba ngayon si Katrina. Nakahanap na ba siya ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at handang tanggapin pati ang kanyang anak?
Sa guesting ni Katrina Halili sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ang tanging inamin niya ay masaya ang puso niya ngayon. Hindi lang niya maisapubliko ang bago niyang inspirasyon.
ANG galing naman ng nakaisip ng slant para sa promo ng bagong serye ng GMA-7 na Cruz vs. Cruz (CVC) na pinagbibidahan nina Vina Morales at Gladys Reyes.
Isang galit na galit na Gladys ang may video kung saan niya pinapatutsadahan ang isang babaeng pa-victim ang drama at inaakusahan siya na mang-aagaw ng asawa.
Ang babaeng ito raw ang unang nakarelasyon ng kanyang mister. Thelma ang pangalan ng pa-victim na naninira kay Gladys sa social media.
Mukhang interesting ang istorya ng CVC dahil parehong pag-aagawan nina Vina at Gladys ang iisang lalaki, at si Gladys ang pinakasalan kaya siya ang legal wife. Pero umeeksena ang unang naging nobya ng kanyang mister.
Marami ang naloka at naintriga nang mapanood ang litanya ni Gladys sa social media. Marami ang nag-akala na totoo ang nangyari sa relasyon nila ni Christopher Roxas. Happily married ang aktres at lima ang anak nila.
MAGANDA ang plano ng GMA Network para kina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Ginu-groom sila upang ipantapat kay Kathryn Bernardo.
Although milya-milya na ang lamang ni Kathryn kina Barbie at Kyline in terms of popularity, still, lumalawak at lumalaki ang fan base ng dalawang Kapuso actresses.
Ang bagong henerasyon ng mga tagahanga ang market nina Barbie at Kyline. Maraming kabataan ang humahanga sa kanila at tumatangkilik ng kanilang mga shows.
Well, “slowly but surely” ang formula ng GMA-7 kina Barbie at Kyline. At hindi naman sila madedehado kahit na makasabay nila si Kathryn sa mga regional shows. Ibang-iba ang taglay na karisma ng dalawa sa mga fans kumpara kay Kathryn.
Plus factor din kay Barbie na ka-love team niya si David Licauco na malakas din ang hatak sa mga fans.
NO regrets ang Kapuso actress na si Katrina Halili na nag-lie low siya sa kanyang showbiz career for three years. Ginugol niya ang panahong ‘yun sa pag-aalaga at pagtutok sa kanyang anak na si Katie na may mild autism. Ipinadama niya sa kanyang nag-iisang anak ang pagmamahal at pag-aaruga rito.
Hindi muna pumirma ng kontrata si Katrina Halili sa GMA-7 upang hindi siya maobligang tumanggap ng project. Namalagi si Katrina sa kanyang resort sa Palawan kasama ang kanyang anak na si Katie.
Naging mabait, magalang at masunuring anak si Katie. Hindi siya naging pabigat sa kanyang mom.
Sa vlog ni Katrina, isinasama niya ang kanyang anak, at maraming viewers ang nagkakagusto sa ipino-post nilang bonding moments at kulitan.
Marami na ring mga fans si Katie ngayon.
Samantala, may mga netizens ang nagtatanong kung may love life ba ngayon si Katrina.
Nakahanap na ba siya ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at handang tanggapin pati ang kanyang anak?

Comments