top of page

Ibinulgar ni Jeric… AJ AT ALJUR, 2 NA ANG ANAK, LALAKI AT BABAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 25, 2025



Aljur Abrenica at AJ Raval - IG

Photo: Mayor Vico Sotto / viral posts / Circulated - FB

  

Makalipas ang isang taong pagde-deny na nabuntis at may anak na si AJ Raval, heto at inamin na mismo ng tatay niyang si Jeric Raval na dalawa na ang apo niya kay AJ at si Aljur Abrenica ang ama.


Binalikan namin ang nasulat dito sa BULGAR noong Agosto 29, 2024 na mariing itinanggi ni Jeric ang tsikang may viral photo na may kasamang bata si AJ at boyfriend nitong si Aljur.


Sagot noon ni Jeric sa amin, “Apo ko ‘yun sa anak ko, si Ace, ‘yung rapper. Alam n’yo, ang dami kong apo, 13, magpo-14 na. Sabay-sabay ‘yan, maliliit pa. Siguro, isa sa mga apo ko ang kasama (sa viral photo). Natawa lang ako nu’ng makita ko.”


At heto nga, Agosto 2025, ang edad ng mga apo ni Jeric kay AJ ay isang taon at apat na buwan, at isang siyam na buwan. Bahala na ang mga readers na magbilang.


Nakakatuwa ring parehong event namin siya nakausap, noong nakaraang taon sa premiere night ng Mamay: A Journey to Greatness (MAJTG) sa SM Megamall, at ngayong taon naman sa victory dinner ng pelikula matapos makakuha ng limang FAMAS awards mula sa 10 nominations, bukod pa sa dalawang special awards para kay Nunungan Vice-Mayor Marcos Mamay: ang Best Producer at Presidential Award.


Sa kasalukuyan, ayaw na raw ni AJ mag-artista kahit ilang beses siyang sinasabihan ng tatay niyang si Jeric at hinahanap pa siya ng Viva at ilang kilalang aktres na gustong isama siya sa project.


Aniya, “Ayaw na mag-artista kasi maramdamin ‘yun. Dinidibdib n’ya ‘yung mga namba-bash

sa kanya, sensitive s’ya sa ganu’n. Sabi ko nga sa kanya (AJ), basta mainit sa kusina, lumabas ka. Eh, ngayon, napagkumpara n’ya, mas tahimik ngayon (wala sa showbiz).”


Hindi naman daw pinagbabawalan ni Aljur si AJ na magbalik-showbiz.

“Wala, nasa bahay lang s’ya. Sabi ko nga, bumalik na, eh, walang sagot, make face lang,” kaswal na sabi ng itinanghal na 73rd FAMAS Best Supporting Actor para sa Mamay.


Nabanggit din kung malaki na ba ang mga apo niya kay AJ, “Kakapanganak pa lang, eh. ‘Yung mga bali-balita noon, hindi naman ‘yun (sabay kamot sa ulo). Ngayon lang, siyam na buwan pa lang.”


Tinanong namin kung sino’ng kamukha, “Ako!” natatawang sabi ng proud lolo.

Babae ang bunsong apo na siyam na buwan pa lang, at lalaki ang panganay na isang taon at apat na buwan na.


“Babae at lalaki, dalawa na. Tawag ko (sa lalaking apo), AlJunior,” masayang sabi ng aktor.

For the record, sino nga ba ang tatay ng panganay na anak ni AJ? 

“Si Aljur,” sagot ni Jeric.


Kung dati ay malapit ang bahay ni Jeric kina AJ, ngayon ay hindi na.

“Dati isang subdivision lang kami, few blocks lang. Ngayon sa Carmenville na sila, sa Angeles, Pampanga.”


Sa edad na 23, naniniwala si Jeric na makakabalik pa sa showbiz ang anak niya. Bata pa raw ito at may paghuhugutan na kaya mas magiging mahusay pagbalik.


Samantala, muling napatunayan ni Nanay Cristy Fermin ang kanyang scoop dahil siya ang unang nagbalita noon na buntis si AJ at malapit nang manganak.


Mariin man itong itinanggi noon ng Viva management ni AJ, nanindigan si ‘Nay Cristy na totoo ang impormasyon niya dahil napaka-reliable ng kanyang source.


Isinulat din namin ang balitang ito hanggang sa hindi na kami naimbitahan ng Viva sa events nila dahil sinisira raw namin ang kanilang prime talent na si AJ, na that time ay kaputukan ng projects at halos linggu-linggong may presscon.


Kaya sa mga pilit na sumisira sa kredibilidad ni ‘Nay Cristy na puro tsismis lang daw ang ibinabalita, paano ngayon ‘yan, lumabas din ang totoo!


Lagi ngang sinasabi ni ‘Nay Cristy sa programa niyang Cristy Ferminute (CF) kasama si Romel Chika, at sa online show na Showbiz Now Na! (SNN) kasama sina Romel at Wendell Alvarez, “Maghintay lang tayo ng tamang panahon at aamin din ‘yan.”


Going back to Jeric, sobrang saya niya dahil sa 35 years niya sa industriya, ngayon lang siya na-nominate at sinuwerte pang nanalo bilang Best Supporting Actor.


“Dati kasi, feeling ko, wala akong value kasi ni nomination, wala ako, eh. Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Mayor Mamay kasi isinama ako sa movie. Laking utang na loob ko sa kanya, alam niya ‘yun. At siyempre sa FAMAS na napansin ako,” pahayag ni Jeric Raval.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page