top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

IBINULGAR NI ANGEL, KASAL NILA NI NEIL, MALABO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2020
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 6, 2020




Dahil sa Covid-19 pandemic ay hindi tuloy ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce ngayong 2020.


Sabi ni Angel, “Hindi po, eh. Move na lang po next year.”


Bago pa ito napagdesisyunan nina Gel at Neil ay may agam-agam na noon ang aktres kung matutuloy dahil ang sagot niya sa amin noong tinanong namin siya sa kasagsagan ng pagtulong nila sa mga frontliners at health workers ay, “Hindi po namin masasabi sa ngayon.”


At heto na nga, tatlong buwan na lang at matatapos na ang taong 2020 at hanggang ngayon ay namomroblema pa ang lahat sa pandemya dahil hindi naman bumababa ang bilang ng mga nagpopositibo, bagkus ay tumataas pa.


Kaya hindi rin pupuwede ang malaking pagtitipon dahil sa health protocol na ipinatutupad ng DOH IATF katulad na lang sa shootings/tapings na limitado ang tao sa 50 lang.


Kung itutuloy nina Neil at Angel ang kanilang kasal, hindi naman 50 katao lang ang imbitado nila dahil gusto nilang makasama ang lahat ng mga mahal nila sa buhay at mga kaibigan.


Sa pagkakaalam namin ay engrande ang kasal ng dalawa kaya minabuti na lang nilang ipagpaliban dahil hindi ito ang tamang panahon para sa ganitong malaking okasyon na marami ang nagugutom at nawalan ng trabaho.


Sa tanong namin kung same details pa rin tulad ng venue, petsa at iba pa, “Mag-aayos pa ulit kami,” sagot ng aktres nang maka-chat namin habang isinusulat namin ang balitang ito.


Samantala, hindi muna tumanggap ng pelikula o teleserye si Angel ngayon dahil gusto muna niyang mag-focus sa weekly show niyang Iba ‘Yan na napapanood tuwing Sabado sa Kapamilya Channel, YouTube at iWant TFC mula sa direksiyon ng fiancé niyang si Neil.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page