top of page
Search
  • BULGAR

Ibinuking ni Vice… KIM, MABIGAT ANG LOOB KAY NATHALIE DAHIL NAKATIKIMAN NI XIAN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 28, 2021





Katakut-takot na kantiyaw ang naranasan nina Kim Chiu at Nathalie Hart mula kay Vice Ganda sa isang segment ng It’s Showtime.


Isa si Nathalie sa mga participants sa Hide and Sing segment ng nasabing noontime show at hindi siya makapag-decide sa mga singers na contestants kaya sinabihan siya ni Kim na kailangang isa lang ang piliin niya.


Singit ni Vice Ganda, “Feeling ko, mag-aaway si Nathalie at si Kim Chiu mamaya. Pagkatapos ng episode, feeling ko, magkakapikunan si Nathalie at si Kim Chiu. Feeling ko, isa sa kanila, nagpipigil lang.”


Ipinaalala ni Vice na dati raw ay nagkaroon ng movie ang BF ni Kim na si Xian Lim at si Nathalie titled Sin Island.


“Kaya pala, parang mabigat, parang may ano kay ano, eh,” sabi ni Vice.


Nakikantiyaw din ang ibang co-hosts at mainit daw ang dugo ni Kim kay Nathalie. Tawa nang tawa si Kim.


Kantiyaw pa ni Vice, nagkaroon daw ng kissing scene sina Nathalie at Xian sa movie na obviously ay gustong gumawa ng tensiyon sa pagitan ng dalawang aktres.


“Work lang ‘yun,” sabi naman ni Nathalie. “Wala na, tapos na ‘yun, eh,” dagdag pa niya.


Sabi naman ni Kim sa mga kasamahan, “Ok na kayo? Ok na kayo? Nasabi n’yo na lahat?”


Ayaw pa ring tumigil ni Vice at panay pa rin ang tukso sa dalawa.


Paliwanag ni Kim, tinatanong lang naman niya si Nathalie ng final decision nito at tinutulungan ding pumili.


Sabi ni Nathalie, “Okay, sige, si No. 3 na, para wala nang away.”


Sabi naman ni Kim, “'Wag ka na magalit, Nathalie.” Tawanan.


Hirit ulit ni Vice, “Parang may certain level of coldness kanina pa.” Tawanan na naman.


Sabi naman ni Kim, “Grabe kayo, sobra kayo talaga.”


In fairness, sport naman si Kim at tinatawanan lang niya ang pang-aasar ng mga co-hosts. Sanay na rin siya sa mga ito na lagi talaga siyang binubuska, lalo na nga si Vice Ganda.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page