top of page

Ibinuking ni Sofronio… MICHAEL BUBLE, NAKA-DATE SI ANNE NOON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | Dec. 13, 2024



Photo: Michael Buble at Anne Curtis Smith - Instagram


Bonggacious ang live appearance ng bagong pride ng Pilipinas na si Sofronio Vasquez sa It’s Showtime (IS) kahapon.


Pinangunahan ni Ogie Alcasid ang iba pang IS hosts sa pakikipag-usap kay Sofronio na fresh from his winning as the new The Voice USA (TV USA) Season 26 grand champion via video call.


Bungad na tanong ni Ogie kay Sofronio ay kung ano ang feeling niya to be the first Asian grand champion sa TV USA.


Pahayag ni Sofronio, “Naging emosyonal po ang pagkakapanalo ko kagabi. Actually, ngayon po, nanginginig ako habang isine-share sa inyo kasi uhm, pangarap ko lang dati. Uh, proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan. Kasi ‘yung Tawag ng Tanghalan at ang It's Showtime ang unang naniwala sa ‘kin.”


Very proud siyempre pa ang IS hosts kay Sofronio. 


Ishinare rin ni Sofronio ang naging journey niya sa pagsali sa The Voice USA.


“Uh, nagsimula po ako sa blind audition trying na just to represent myself and of course, sinubukan ko pong i-represent lang ‘yung Utica, New York. 


“Pero mapalad po ako dahil ‘yung  producers ng mismong show, sila po ‘yung nag-suggest na mas maganda siguro na i-represent mo ang Philippines kasi hindi pa talaga sila nagkaroon ng Filipino full-blooded-born and raised. 


“So, itinuloy ko po ‘yun and dahan-dahan po naming pinaghirapan. And masaya po ako na along the way, talagang sincere at totoong pagmamahal ‘yung galing kay Michael Bublè para sa Pilipinas,” kuwento ni Sofronio.


Samantala, nagulantang naman ang mga IS hosts sa revelation ni Sofronio na dating naka-date ni Michael ang isang “dyosa.” 


Pagpapatuloy ni Sofronio, “At ishinare po n’ya na meron s’yang deep connection sa Pilipinas kasi kumpare niya raw po si Martin Nievera at meron daw s’yang naka-date na kilala nating lahat na dyosa sa ‘tin. Hahaha!”


Tanong naman ng mga hosts ng Kapamilya noontime show, sino ang naka-date ni Michael na “dyosa”?


Sey ni Darren, “May pa-blind item.”


Hindi lang blind item ang hatid ni Sofronio sa naka-date ni Michael kundi may pa-clue rin siya. 


Isa lang naman ang artistang babae na talagang idinikit sa kanya ang tawag na “dyosa”. At ayon pa kay Sofronio, kilalang-kilala raw nila kung sino ‘yung dyosa. Sino pa nga ba kundi ang IS host din na si Anne Curtis!


Remember the time na na-link si Anne kay Michael noon?


Samantala, kinumusta naman ni Ogie kay Sofronio si Michael bilang coach niya.


Sagot ni Sofronio, “Sir Ogie, narinig n’ya ‘yung sinabi mo kahapon na, tinatanong n’ya kung nagma-manage ka raw? Hahaha!”


“Talaga ba?!” bulalas ni Ogie. 


Sey ni Ogie, “So, itutuloy ko na. Michael! Hello, Michael! Do you need a manager?! I’m right here!”


Tawa naman nang tawa si Sofronio kay Ogie. Sumunod na nagtanong kay Sofronio si Kim, “Ang dami niyang sinalihan na contest. Ano'ng maibibigay n’yong advise sa lahat ng mga may magagaling na boses pero right  timing is God’s greatest gift?”


Sagot nito, “Uh, wow! Siguro ang pinakamagandang advise na maibibigay ko kahit ilang beses kang na-reject, ‘di talaga s’ya nagpapatunay na wala ka nang chance, eh.


“Sino ba naman kasi ang mag-iisip na ako, Bisaya, uh, galing sa Mindanao trying just to be someone in music and almost lahat ng audition, sinubukan ko, pero 10 years after naibigay sa ‘kin. So, ‘di talaga s’ya ano, ‘di mo lang titigilan.”


Hindi pa alam ni Sofronio kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

“Nag-promise po ako kay Michael Bublè na kapag umuwi ako, talagang Showtime ‘yung unang bibisitahin ko,” masayang pagtatapos ni Sofronio Vasquez.


Vlogger, bilyonaryo na…

BOSS TOYO, MAY SARILI NANG TV NETWORK



For the first time ay na-meet namin ang sikat na Pinoy Pawnstar at vlogger na si Boss Toyo na ang tunay na pangalan ay Jayson Luzadas. Na-meet namin siya during the caroling ng officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa mismong pawnshop niya sa Anonas, Quezon City.


Nakilala rin namin doon ang partner ni Boss Toyo na si Jhoy. Hindi lang pala pawnshop ang business ngayon ni Boss Toyo, meron na rin pala siyang sariling TV network, ang D8TV.


Dream pala ni Boss Toyo ang magkaroon ng sarili niyang TV network. Kaya naman isa ito sa mga pinagsikapan niyang maisakatuparan. 


Ka-level na ni Boss Toyo si Gabby Lopez ng ABS-CBN and we heard from a reliable source, bilyonaryo na rin daw ang sikat na businessman.


Ang D8TV ay binili ni Boss Toyo para sa mga kasama niya sa vlogging community. Mga content daw ng mga kilalang content creators sa YouTube (YT) ang ilalabas sa kani-kanilang programa sa D8TV.

Ka-vogue!


 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page