top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ibinida ng DA na tataas ang produksyon ng bigas, suntok sa buwan ‘yan!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 19, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Marso 19, 2024


SABI NG MGA CONG., RAMDAM NA RAW ANG ‘BAGONG PILIPINAS’ NG MARCOS ADMIN, TOTOO NGA, RAMDAM ANG TAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- Ibinida ng Kongreso na ramdam na raw ng mamamayan ang “Bagong Pilipinas” ng Marcos administration.


Aba’y oo naman, ramdam na ramdam na talaga ng mamamayan, lalo na iyong sobrang taas ng presyo ng bigas, iba pang bilihin at bayarin, ramdam na ramdam talaga ‘yan ng sambayanang Pinoy, boom!

◘◘◘


WALA NGANG DAGDAG-BUWIS HANGGANG YEAR 2025, PERO PARANG SINABI NI SEC. RECTO NA SA YEAR 2026, MAY DAGDAG-TAX NA PAHIRAP SA MAMAMAYAN -- Sabi ni Sec. Ralph Recto ng Dept. of Finance (DOF) noong March 13, 2024 ay hindi raw magpapataw ng bagong dagdag-buwis ang pamahalaan hanggang next year o 2025.


Kumbaga, parang sinabi na rin ni Recto na sa year 2026, magpapataw ng dagdag-buwis ang Marcos administration at dagdag-pahirap ito sa mamamayan, nakupo!


◘◘◘


IBINIDA NI DA SEC. LAUREL NA TATAAS ANG PRODUKSYON NG BIGAS SA ‘PINAS, SUNTOK SA BUWAN! -- Ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel ng Dept. of Agriculture (DA) ay bago raw matapos ang termino ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa June 30, 2028 ay tataas na raw ang produksyon ng bigas sa bansa.


Sa totoo lang, suntok sa buwan ang sinabing ‘yan ni Sec. Laurel, kasi ang malawak na mga taniman ng mga palay noon ay wala na, dahil tinayuan na ng mga subdibisyon, period!

◘◘◘


DAGDAG-TOLL FEE SA MCX, MAGDUDULOT NG TAAS-PRESYO SA MGA PRODUKTONG PAGKAIN -- Inaprub ng mga appointee ni PBBM sa Toll Regulatory Board (TRB) ang dagdag P1 hanggang P3 sa toll fee ng Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).


Hay naku, pulos pahirap na lang yata sa mamamayan ang gagawin ng Marcos admin kasi sa totoo lang, iyang dagdag-bayarin sa toll ng MCX ay magdudulot ‘yan ng taas-presyo ng mga bilihin dahil karaniwan nang gawain na ang dagdag-toll fee ay ipinapatong ng mga biyahero sa mga produktong pagkain na idine-deliver nila sa mga pamilihan sa Metro Manila, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page