Ibinangko ng Magic si Sotto sa Summer League Opening
- BULGAR
- Jul 10, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | July 10, 2023

Dismayado ang fans, higit na ang mga Pinoy sa paghihintay na mabigyan ng playing time si Kai Zachary Sotto sa kanyang NBA Summer League debut para sa Orlando Magic na masaklap na yumuko sa balasadong Detroit Pistons nitong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada sa U.S.
Nalasap ng Magic ang 78-89 pagkatalo sa Pistons, kung saan nagisnang nakababad sa upuan ang 7-foot-3 Pinoy stalwart matapos hindi paglaruin ni coach Dylan Murphy, habang tinitingnang nilalamon ng big men ng Detroit duo na sina 2020 second overall pick James Wiseman at last year’s first round pick Jalen Duren ang koponan.
Ito ang pinakahihintay na pagkakataon ng mga Filipino na magisnan sa unang beses ang isang purong manlalaro galing sa Pilipinas na sumabak sa pinakamalaking basketball event sa mundo para maipakita ang kahusayan at kaalaman ng Gilas Pilipinas center sa harap ng NBA scouts at executives sa opisyal na unang laro nito, subalit kinakailangang maghintay muli ng ilan pang laro si Sotto para sa opurtunidad na maisabak sa kanyang debut game.
Dahil sa hindi pagpapalaro kay Sotto ay bumuhos ang kabi-kabilang mga reklamo at pambabash na natamo ng Magic sa social media na pinuntirya ang kakulangan ng big man ng Magic sa laro, kung saan pinulbos ng Piston sa rebounding ang Magic sa 46-30.
“Ya’ll need to stop acting like this is a regular season of the NBA keep pushing the small ball lineup, where obviously the Pistons out-rebounded you guys. You got a 7”3 center in your roster, u didn’t even use him once. U got a gem there, open your eyes Magic,” bulalas ng isang fan sa tweeter account ng Magic. “You just post Kai Sotto for clout,” wika ng isang Filipino-American fan sa social media.








Comments