top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ibasura sa susunod na eleksyon ang mga bumoto sa postponement ng bgy. at sk election

  • BULGAR
  • Oct 14, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 14, 2022


BGY. OFFICIALS NA KORUP, ABUSADO AT PABAYA, LUNDAGAN SA TUWA NANG PIRMAHAN NI P-BBM ANG POSTPONEMENT NG BGY. & SK ELECTIONS—Ganap nang batas ang postponement ng barangay at SK (Sangguniang Kabataan) elections dahil pinirmahan na ni Pres. Ferdinand "Bongbong" Marcos, na ang ibig sabihin ay walang magaganap na bgy. at SK elections sa Dec. 5, 2022 at nakasaad sa batas na mananatili sa puwesto ang mga kasalukuyang barangay officials.


Dahil d'yan, tuwang-tuwa ang mga kurakot, abusado at pabayang barangay officials.


◘◘◘

IBASURA SA 2025 ELECTIONS ANG MGA SEN. AT CONG. NA BUMOTO PARA IPAGPALIBAN ANG BGY. & SK ELECTIONS—Mayorya ng mamamayan ay gustong matuloy ang halalang pambarangay, pero wala silang magagawa, talagang "no-el" (no election) na sa Dec. 5. 2022 dahil mas pinakinggan ni P-BBM ang kagustuhan ng mga senador at kongresista.


Dahil inalisan ng karapatan ng mga mambabatas ang mamamayan na makapamili ng mga nais nilang mamuno sa kanilang barangay, isa lang ang dapat gawin ngayon ng taumbayan—resbakan ang mga sen. at cong., ibasura sila sa 2025 national at local elections.


◘◘◘

PROBLEMA TALAGA SA 'PINAS ANG FAKE NEWS KASI PATI SENATE PRESIDENT AY NAGPE-FAKE NEWS—Ayon sa survey ng Pulse Asia, ang isa sa malaking problema ng Pilipinas ay ang fake news sa social media.


Problema talaga 'yan kasi hindi lang bloggers at vloggers ang nagpapakalat ng fake news sa Pilipinas, kundi pati Senate President.


Mantakin ninyong sabihin ni Senate President Migz Zubiri na kabilang na ang Pilipinas sa inilagay sa blacklist ng China na tourist destination dahil nabibiktima ang mga ito ng Philippine Offshore Gaming Operators, 'yun pala ay walang sinabing ganito ang Chinese embassy.


Onli in da 'Pinas lang 'yan, na ang Senate President, nagpe-fake news.


◘◘◘

ANG LAKAS GUMASTOS NI EX-P-DUTERTE, P4.5-B NIYANG CONFIDENTIAL FUND, NAUBOS—Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na sa huling bahagi ng taon ng panunungkulan ni ex-P-Duterte bilang pangulo ng bansa noong 2021 ay walang natira kahit singko sa P4.5 bilyong confidential fund o intelligence fund ng dating pangulo.


Grabe gumastos si ex-P-Duterte kasi mantakin n'yo, ang daming nagugutom at naghihirap na Pilipino, tapos siya sa loob lang ng isang taon ay ubos sa gastos ang P4.5 bilyong pera ng bayan.


Ang masaklap, nang tanungin ng COA ang Office of President ni ex-P-Duterte, kung saan ito ginastos ay walang ibinigay na detalye, hindi puwedeng sabihin kasi confidential o intel funds ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page