top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ibasura ang 'pork barrel' para makatipid

BULGAR
Sep 7, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 7, 2022


OKAY NA SANA ANG STATEMENT NI VP SARA NA DUDURUGIN NG GOBYERNO ANG MGA TERORISTA AT KRIMINAL, KAYA LANG DINAGDAGAN PA NIYA NG FAKE NEWS NA ASENSADO ANG 'PINAS—Nagbabala si Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio na "walang awa" raw na dudurugin ng gobyerno ang mga terorista at kriminal na gagawa ng mga terorismo at kriminalidad para madiskaril ang pag-asenso ng bansa.


Okay na sana ang statement ni VP Sara na dudurugin ng pamahalaan ang mga terorista at kriminal, kaya lang dinagdagan na niya ito ng fake news na asensado ang Pilipinas kasi sa totoo lang, hindi naman umaasenso ang Pilipinas at malabong umasenso dahil baon tayo sa utang, ibinaon ng erpat ni VP Sara sa utang ang 'Pinas.


◘◘◘


KUNG GUSTO NG MGA SEN. AT CONG. NA MAKATIPID SA PONDO ANG GOBYERNO, ISA LANG ANG DAPAT NILANG GAWIN, HUWAG SILANG TUMANGGAP NG PORK BARREL—Iisa ang katuwiran ng mga senador at kongresistang nagsusulong na i-postpone ang barangay at Sangguniang Kabataan at ito ay para raw maitipid ng pamahalaan ang P8.5 bilyon ang gagamitin sa halalang pambarangay.


Hay naku, kung gusto talaga ng mga sen. at cong. na makatipid ang pamahalaan ay isa lang dapat nilang gawin at ito ay huwag na silang tumanggap ng pork barrel projects, huwag na silang magsingit ng kanilang "pork" sa 2023 national budget.


◘◘◘


KUNG WALANG BUDGET PARA LABANAN ANG FAKE NEWS, IBIG SABIHIN AY NEVER NG MATITIGIL ANG FAKE NEWS SA 'PINAS—Sabi ni Press Sec. Trixie Angeles ay wala raw budget ang gobyerno para laban ang mga nagpapakalat ng fake news sa social media.


Sa statement ni Sec. Angeles ay parang sinabi niya na hindi na matitigil ang mga fake news ng mga vloggers sa social media.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page