Ibang klaseng Gilas ang babanat sa Asian Games
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
by Anthony Servinio @Sports News | September 1, 2026

Photo: Sina Justine Baltazar, Justin Arana at RJ Abarrientos ang magpapalakas sa Gilas Pilipinas sa darating na Aichi-Nagoya Asian Games nitong Setyembre sa Japan. (fbpix)
Ipinatikim ni Coach Tim Cone kung ano ang maaasahan sa defending gold medal Gilas Pilipinas sa nalalapit na Aichi-Nagoya Asian Games. Hindi gaanong matangkad pero idadaan sa bilis kaya magiging masaya sila panoorin, ayon sa batikang coach.
Idinagdag sa rosters sina RJ Abarrientos, Justin Arana at Justine Baltazar ang magbabalik mula sa katatapos na matagumpay na FIBA World Cup Qualifiers noong nakaraang linggo.
Bago pumunta ng Japan at maglalaro ang Gilas ng dalawang exhibition kontra sa Timog Korea. Inamin ni Coach Cone na tumutok sila ng 10 araw para sa World Cup at hindi niya nasubaybayan masyado ang paghahanda para sa Asiad. Itinalaga si assistant coach Richard del Rosario para patakbuhin ang ensayo.
Ang mga kasama sa listahan ay sina Robert Bolick, Adrian Nocum, Jerrick Ahanmisi, Don Trollano, Zavier Lucero, Geo Chiu, Brandon Ganuelas-Rosser, Sean Quitevis, Brandon Bates at Sedrick Barefield.
Magtatabi ng isang upuan para kay Justin Brownlee at titingnan kung naghilom na ang kanyang mga pilay sa paa at binti habang malabong mahahabol ang papeles ni Bennie Boatwright. Nabunot ang Gilas sa Grupo C. Ang kanilang mga laro ay laban sa Bahrain (Setyembre 11), Kazakhstan (12) at Tsina (14).





Comments