Ibang klase raw pinalaki… JAYA, NAGTATAGO SA CABINET NU’NG BATA ‘PAG INIIWAN NG MADIR

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 9, 2026

Photo: IG _jaya
Inamin ng Queen of Soul na si Jaya na hindi niya pinangarap na maging singer noong bata pa siya.
Sa panayam sa kanya sa YouTube (YT) channel ng aktres-vlogger na si Toni Gonzaga na Toni Talks, napag-usapan nila ang childhood dream ni Jaya at ang naging impluwensiya ng kanyang ina – ang yumaong komedyana at singer na si Elizabeth Ramsey – sa kanyang buhay at career.
Tinanong ni Toni kung hindi ba niya kailanman pinangarap na sundan ang yapak ng kanyang ina bilang singer at performer.
“No, ‘di talaga,” direktang sagot ni Jaya.
Nang tanungin naman kung ano ang kanyang pangarap noong bata pa siya, sinabi ni Jaya na nais niyang maging nurse.
“Mag-nurse. Alam mo kung bakit? Si Miss Elizabeth Ramsey, I think, meron s’yang takot sa sakit. So lagi s’yang nagpapa-blood pressure sa doctor n’ya sa may Dapitan. So sabi ko, ‘Alam mo, Ma, paglaki ko, magne-nurse ako.’ So, I was dreaming of becoming her healer, but she was dreaming of me becoming her replacement,” pagbabahagi ni Jaya.
Ibinahagi rin ni Jaya ang kanyang mga karanasan noong bata pa siya at kung paano siya pinalaki ng kanyang ina.
Ayon sa singer, maaga siyang natutong maging independent dahil sa paraan ng pagpapalaki sa kanya ni Elizabeth.
Nang tanungin ni Toni kung maaga siyang nag-mature para sa kanyang edad, sinabi ni Jaya na kinailangan niyang maging handa sa maraming bagay dahil sa klase ng kanyang ina bilang magulang.
Aniya, “Ay, kailangan… ganu’ng klaseng magulang si Miss Elizabeth Ramsey. Kailangan, handa ka sa lahat kasi ganu’n din s’ya.
“Remember, she was born in 1931. So iba rin ‘yung itinuro niya sa akin na kailangan, mabilis kang kumain, kailangan, mabilis kang magbihis, kailangan, ‘di ka nahihiya. Kailangan, ang daming ganu’ng practices and teachings sa someone that’s my age.”
Pagpapatuloy niya, “So, ‘yun ang kinalakihan ko, ‘yung walang ama, walang ina. Basta nandu’n si Mama, okay na ako ru’n. Oo, okay na ako ru’n.”
Nang tanungin ni Toni kung iyon ang kanyang mga naaalala sa kanyang childhood, sinabi ni Jaya na iyon ang ilan sa mga karanasang tumatak sa kanya.
“‘Yun ang naalala ko. But let me just say, I’m not here to say anything bad about my mom because she did the best that she could as a mother at that time,” paglilinaw niya.
Aminado rin si Jaya na hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin niyang unawain kung paano nakaapekto sa kanyang pagkatao ang paraan ng pagpapalaki sa kanya.
“I’m still trying to figure out if that has really affected me kasi I think it did. Saan nanggaling ‘tong ugali na ‘to? Siguro, sa ganu’n,” aniya.
Ikinuwento rin ni Jaya ang isang childhood experience na maaaring nakaapekto sa kanyang pagiging mahiyain at pagiging makakalimutin.
“Sabi ko, bakit ako malilimutin? Kasi nu’ng time na ‘yun, I was perhaps 8 or 9 when my mom would go sa kanyang TV show. S’yempre, maiiwan na ‘ko and gusto ko na du’n sa cabinet,” kuwento niya.
Tinanong ni Toni kung ang cabinet ang nagsilbing refuge niya noong bata pa siya.
“‘Yung cabinet na ‘yun, du’n ako magtatago. ‘Pag nakaalis s’ya at ‘di ako nakatago, whoever that person is in that house na naiiwan, makikita ako agad-agad. Eh, matatakot ako kasi ilang taon lang ako tapos ano s’ya, ‘yung matapang. The minute that thing happens, wala akong maalala,” pagbabahagi ni Jaya.
Inamin din niyang talagang mahiyain siya noon at madalas siyang nagtatago kapag may mga taong hindi niya kilala.
“Mahiyain ako dati. If I say mahiyain, nagtatago talaga ako ‘pag may mga tao. Paano nga ako naging singer kung mahiyain ako? Forced,” ani Jaya.
In fairness, kahit hindi pinangarap ni Jaya na maging singer, isa siya sa mga singers na hinangaan ng madlang people.
Hay, naku, mapapakanta ka na lang talaga ng… “Kapalaran, kung hanapin, ‘di matagpuan, at kung minsan, lumalapit nang ‘di mo alam.”
Oh, ‘di ba? Pak na pak!





Comments