Ibang kaso ng Dengvaxia, inilipat sa Family Court sa QC

ni Madel Moratillo | June 28, 2023

Ipinag-utos na ng Supreme Court 2nd Division ang paglipat ng iba pang kasong may kaugnayan sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine sa Family Court sa Quezon City.
Partikular na ipinalilipat ang mga kasong naka-pending sa first level courts sa Bataan, Caloocan, Laguna, Muntinlupa at Quezon City.
Ayon sa SC, salig sa nakasaad sa Section 5 ng Republic Act 8369, ang Family Court ang may hurisdiksyon sa mga kaso na ang biktima ay menor-de-edad nang maganap ang offense, buhay man ito o patay.
Ang kautusan ng SC ay upang matiyak na uniform ang magiging desisyon sa kaso.
Ang Quezon City din umano ang proper venue dahil ito ang best venue due para sa pagdinig sa kaso dahil sa accessibility nito sa mga partido.
Matatandaang may 166 ang sinasabing nasawi matapos umanong maturukan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Pero sa bilang na ito, 8 pa lang ang dinidinig sa korte, ang iba ay naka-pending pa sa Department of Justice.





Comments