top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Ibang-iba raw kay Mica na simple lang… SIGAW NG FANS: FYANG, BAGO PA LANG, MAYABANG NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2025
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | July 14, 2025



  • Fyang Smith - IG

Photo: Fyang Smith - IG


Grabe ang mga fans ng dalawang Big Winners ng Pinoy Big Brother (PBB).

Last year, si Fyang Smith ang Big Winner sa PBB Gen 11 Edition. And this year sa PBB Celebrity Collab ay ang duo na sina Mika Salamanca at Brent Manalo.


Ang siste, tila hindi maganda ang feedback sa attitude ni Fyang lalo na nang mag-react si Pokwang na huwag itong magyabang sa sinabing mas angat sila sa current batch. Ang dami tuloy negatibong komento ang ipinupukol sa kanya.


Samantala, isinasabong siya ngayon sa recent winner ng PBB na si Mika, lalo na pagdating sa kanilang ugali.


Sa parteng ito ay tila dehado si Fyang sa magagandang komento para kay Mika.


Sey ng kanilang mga fans, “Si Mika, talagang napakasimple at humble. Ang mali lang ni Fyang, kesyo marami s’yang fans o supporters, sobrang laki na ng ulo n’ya kasi alam n’ya sigurong ipagtatanggol s’ya ng mga supporters n’ya kahit mali.”


“‘Di lahat ng tao, same ang ugali. Dapat ba, porke’t same silang winner, eh, same rin sila ng ugaling ipapakita? Mas maganda nang magpakatotoo ka. At take note, mahirap magpakaplastik sa lahat, ‘yung tipong santa-santahan. Kaya about sa pagmamayabang na sinasabi nila kay Fyang, aba! Hahaha!”


Pinayuhan naman ng isang commenter ang fans na ito ni Fyang, “‘Di mo maiiwasang ma-bash si Fyang dahil sa ipinapakita n’yang attitude. Kung ayaw ninyong ma-bash s’ya, pangaralan ninyo. Kauumpisa pa lang sa showbiz, napakayabang na. Paano pala kung magtagal na sa showbiz, eh, di lalo na.”


Inis namang sabi ng fan ni Fyang, “Puro bash kayo kay Fyang, ‘di naman kayo inaano. Sobrang pakialamera lang talaga kayo sa buhay ng iba…”


Pati physical features ng dalawang housemates ni Kuya ay pinuna na rin.


Sey nila, “Si Mika, simpleng ganda. Natural si Fyang, luto na ‘yung mukha sa mga ipinapahid n’ya sa mukha n’ya, payat pa.”


“Tama ang asal ni Mika Salamanca, naturuan ng mabuting asal.”


“Payat si Fyang saka isnabera. Dapat asikasuhin n’ya ang health n’ya, bago ang project. Wala namang project na maibibigay sa kanya.”


“Kay Mika, dapat walang kaarte-arte, hindi mayabang. Si Fyang, naku po! ‘Wag na. Ang yabang talaga ni Fyang, parang si Marian Rivera lang.”


Hala! Hanggang saan kaya hahantong ang mga maaanghang na salitang ito para kay Fyang Smith?



Magkakamukha, ‘di na makilala….

DINA: MGA ARTISTA NGAYON, BATA PA LANG, RETOKADA NA



“‘YUNG mga artista ngayon, bata pa lang, retokada na.” 

Ito ang komento ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ukol sa mga kabataang artista ngayon.


Aniya, tila magkakamukha na ang karamihan sa mga ito at minsa’y hirap pa siyang kilalanin sila. 


Noon umanong panahon nila, may kani-kanyang angking ganda ang mga kasabayan niyang artista.


Sey niya, “Kaya minsan, ‘pag tiningnan mo, pare-pareho na ‘yung mukha nila… “You’ll be surprised… pare-pareho sila ng cheekbones, pare-pareho sila ng ilong, pare-pareho ng chin augmentation.”


Ayon pa sa kanya, “Bakit noong panahon namin… Eh, ngayon, kahit ubod ka nang ‘shongs’ (tanga), puwede ka na.”


Well, ipinagmamalaki ng aktres na hindi siya sumailalim sa anumang cosmetic enhancement sa kanyang mukha.


Pagbabahagi niya, “Tingnan mo ‘yung before and after ko, ‘yun pa rin.”

Bukod sa kontrobersiyal na pahayag, gumagawa pa rin ng ingay ang pangalan ni Dina sa showbiz industry.


Katunayan, ipinalabas na ang kanyang bagong online show na House of D (HOD), na unang umere noong July 11 sa YouTube (YT) at mapapanood tuwing Biyernes, alas-5 ng hapon.


Tampok dito ang mga seryosong diskusyon, humor, emosyonal na kuwento, at aral tungkol sa pamilya at buhay.


Sa programa, kasama niya sina Oyo at Danica Sotto, Kristine Hermosa, at Marc Pingris.

Bongga, ‘di ba!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page