Ibang-iba na ang hitsura… JOHN LLOYD, PAYAT, MANIPIS NA ANG BUHOK AT NAKASALAMIN
- BULGAR

- Jul 21
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 21, 2025
Photo: John Lloyd - IG
Ibang-iba ang hitsura ni John Lloyd Cruz sa naka-post na latest photo niya sa kanyang Instagram (IG) recently.
Payat, manipis na buhok at naka-salamin ang Lloydie na nakita sa picture. Suot niya ay puting white sport shirt, naka-shorts at echo clog sandals.
May mga kausap din si Lloydie sa picture na mga babae na tila members ng isang organization para sa mga pets.
‘Nga pala, kasama rin ni Lloydie sa picture ang kanyang mga alagang aso.
Caption ni Lloydie sa kanyang latest IG post, “Dumarami ata mga kaibigan ko dahil sa lobo.”
Natuwa ang mga fans ni Lloydie sa kanyang post.
Sey nila… “Hi, Poy, nakita ka rin namin sa wakas, musta ka na? Okey ka lang, ha! Miss namin kayo ng Basha mo, sana mag-movie ulit na kayo, ha! LAB forever! (smiling face with hearts & red heart & folded hands emoji).
“Buti pa ang aso may video, si Popoy wala.”
“Enjoy life with your beloved dogs. They bring a unique kind of positive energy into your life.”
“Hello, Poy, ikaw pa rin ‘yung hinahanap ko. Kaytagal kang hinintay, It Might Be You,
Maging Sino Ka Man, A Beautiful Affair — miss na namin kayo ni Basha.”
Mukhang sobrang naaaliw si Lloydie sa kanyang aso. Laging laman sa IG niya at girlfriend na si Isabel Santos ang mga larawan nila with the dogs.
This maybe one of the reasons kaya ayaw daw gumawa ng pelikula muna ni Lloydie ngayon.
Buti pa si Direk Lav Diaz na best friend ni Lloydie, may movie na nagawa at ipapalabas na ngayon.
Sabagay, mabilis naman yatang mag-adjust ng look si John Lloyd Cruz kapag may gagawin siyang movie.
KUMAKALAT ang tsikang involved si Janella Salvador sa relasyon nina Klea Pineda at Katrice Kierulf.
Third party daw ang dahilan ng split ng magdyowang “K”, ayon sa usap-usapan sa socmed (social media), at si Janella ang itinuturo ng mga netizens.
Isa sa mga lumantad na tsikahan sa online ay makikita sa socmed account ng ina ni Katrice.
Sey ng mga netizens:
“Follow na kita kasi wala na ‘yung cheater. Hihihi!”
“Is this lowkey confirming na nag-cheat talaga ‘yung isa? Ni-like, ih. Hahaha!”
“Tapos inila-like ‘yung bawat comment na ‘Janella.’”
“Si Janella po ba?”
“Once you like this Katkat, then confirm na si JS nga ‘yung other party.”
“Si Janella raw dahilan. Wait, ‘di ba may movie sila ni Klea? (laughing with tears). For the promotion ba ‘to para mag-boom ‘yung movie?”
True or not, this is not the first time na inili-link si Janella Salvador sa babaeng nakakasama niya sa kanyang mga proyekto.










Comments