top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ibalik sa mga magsasaka ng niyog ang coco levy fund

BULGAR
Jun 26, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 26, 2022


COCO LEVY FUND, IBALIK SA MGA MAGSASAKA—Dahil mismong si Pres.-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos (P-BBM) ang aaktong kalihim ng Department of Agriculture (DA), may isang bagay siyang dapat gawin agad at ito ay ang ibalik sa mga magsasaka ng niyog ang kanilang coco levy fund worth P71 bilyon, at kapag nagawa niya ‘yan, tiyak na matutuwa sa kanya ang mga magsasaka.


Para sa kaalaman ng publiko, noong panahon ng erpat ni P-BBM ay pinagbabayad ng pamahalaan ang mga magniniyog ng P15 hanggang P30 kada 100 kilo ng copra bilang pondo ng mga magsasaka at ang nangasiwa rito ay ang Philippine Coconut Authority, pero ang masaklap, kalauna’y natuklasan ng mga magsasaka na ang kanilang coco levy fund ay “pinakialaman” ng mga negosyante, na kung tawagin ay mga kroni, idinagdag nila itong puhunan sa kanilang mga negosyo at hindi na ito naibalik sa mga magniniyog.

Magawa lang ni P-BBM na maibalik sa mga magsasaka ng niyog ang coco levy fund, tiyak na hahangaan siya ng publiko, period!


◘◘◘


DAR SEC. BERNIE CRUZ, TABLADO KAY P-BBM, SINIBAK PA NI P-DUTERTE—Dobleng kamalasan ang inabot ni acting Sec. Bernie Cruz ng Department of Agrarian Reform (DAR).


Habang namimili na si P-BBM ng mga magiging miyembro ng kanyang Gabinete ay nagpapansin si Cruz, na ayon sa kanya ay sa kanyang sariling ideya na mega farm ay puwede daw matupad ang promise ng incoming president na maging P20 ang per kilo, pero dinedma lang siya ni P-BBM kasi hindi siya ang gusto ng bagong pangulo na mamuno sa DAR, kundi si Conrado Estrella, at ang masaklap, isang linggo bago bumaba sa puwesto si P-Duterte ay sinibak siya nito, boom!


◘◘◘


DOBLENG KAMALASAN NI CARDEMA, NI-REJECT NA ANG PETISYON NIYA LABAN KAY GUANZON, NAKATIKIM PA SIYA NG CYBERLIBEL—Dobleng kamalasan din ang inabot ni National Youth Commission (NYC) Commissioner Ronald Cardema.


Ni-reject na kasi ng Comelec ang hirit ni Cardema na tanggalin si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang first nominee ng P3PWD partylist ay sinampahan pa siya ni Guanzon ng kasong cyberlibel dahil sa mga paninira sa kanya ng NYC commissioner, saklap!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page