top of page
Heart Evangelista - IG.jpg

Iba’t ibang kahulugan ng iba-ibang klase ng building

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 13, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 13, 2021



Dear Maestra,

Dati akong overseas Filipino worker (OFW). Sa ngayon ay tumigil na ako sa pag-a-abroad sa dahilang hindi ko na kayang malayo pa sa aking tatlong anak na pawang musmos pa.

Palagi akong nananaginip ng mga building. Naglalakihan ang mga building na bago pa lang ginagawa, ‘yung iba ay lumang-luma na at ‘yung iba naman ay iba’t ibang klase ng mga bahay na may iba-ibang design, habang ‘yung iba ay mga factory at shops. Ano ang ipinahihiwatig nito?

Naghihintay,

Ofelia


Sa iyo, Ofelia,

Isa-isahin natin ang building na napanaginipan mo. Una, ang sabi mo ay naglalakihan at bago pa lang ginagawa. Ibig sabihin nito ay pagbabago ng kasalukuyan mong hanapbuhay. Ang mga building na lumang-luma na ay nangangahulugan ng paghihiwalay. Posibleng mahiwalay ka na naman sa iyong mga anak. Gayunman, ang iba’t ibang klase ng bahay na may iba’t ibang design ay nagpapahiwatig naman ng panibagong negosyo na papasukin mo. Ang malalaking building, factories at shops naman ay nagpapahiwatig na hindi lang isang klase ng negosyo ang pagkakaabalahan mo kundi iba-iba rin na magdudulot sa iyo ng kasaganaan at pagpapala sa buhay.


Samantala, ingatan mo lamang na mapabayaan ang iyong kalusugan upang tuluy-tuloy mong makamit ang katuparan ng iyong mga pangarap. Gayundin, mag-ingat ka sa pakikipagkaibigan at mga taong mapagsamantala, kumbaga, maging matalino at mapagmasid ka sa kapaligiran.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page