top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Iba pang mga celeb, todo-support na rin sa Gabriela Women’s partylist...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2020
  • 2 min read

Ang daming ire-red tagged ni Gen. Parlade, he-he-he!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 29, 2020



P-DUTERTE, MAS MAY TIWALA SA DOJ KAYSA PACC SA PAGLABAN SA KATIWALIAN—Imbes na PACC (Presidential Anti-Corruption Commission) ang utusan ni P-Duterte na mag-imbestiga sa korupsiyon sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan dahil ang mandato nitong labanan ang katiwalian, ang inutusan ng pangulo ay ang DOJ.


Kulang na lang ay sabihin ni P-Duterte na walang silbi ang PACC kaya DOJ na ang inutusan niyang mag-imbestiga sa mga “buwaya” sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, period!


◘◘◘


MAG-I-ENJOY SI PARLADE SA DAMI NG CELEB NA KANYANG IRE-RED-TAGGED—Bukod kina Angel Locsin at Liza Soberano, sangkaterbang artista na rin ang nagpakita ng suporta sa Gabriela Women’s partylist.


Malamang, naglulundag sa tuwa si Gen. Antonio Parlade, commander ng SolCom (Southern Luzon Command) at spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communists Armed Conflict) kasi sobrang mag-i-enjoy siya sa dami ng mga artistang kanyang ire-red-tagged sa social media, boom!


◘◘◘


REKLAMO SA DUTERTE YOUTH PARTYLIST, DAPAT AKSIYUNAN AGAD NG SC—Inihihirit ng mga election lawyers at youth organizations sa Supreme Court (SC) na ideklarang illegal ang pag-aprub ng Comelec na magkaroon ng representante sa Kongreso ang Duterte Youth partylist dahil marami pa itong nakabimbing kaso sa komisyon at walang malinaw kung ano ang nire-represent na marginalized sector nito sa bansa.


Dapat aksiyunan agad ito ng SC kasi kung dedemahin lang nila ay lalabas na hindi lang sa Duterte gov’t. at Comelec malakas ang “power” ng Duterte Youth partylist, kundi pati sa mga mahistrado, period!


◘◘◘


DATI MARGINALIZED SECTORS LANG ANG PARTYLIST, NGAYON PATI APELYIDO NG PANGULO PARTYLIST NA RIN—Sa totoo lang, masyadong “nababoy” na ang partylist system sa bansa, dati ang mga partylist na may marginalized sector lang, tulad ng grupo ng kababaihan, magsasaka, manggagawa, mangingisda, katutubo, guro, maralita, nurse at drivers lang pinapayagang lumahok sa halalan, pero kalauna’y pati apelyido ng pangulo ay ginawa na ring partylist, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page