Iba-ibang kilig daw ang naibigay sa kanya, Direk Paul… TONI, UMAMING NAGUSTUHAN LAHAT NG NAGING LEADING MAN
- BULGAR

- 4 hours ago
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 25, 2026

Photo: Toni Gonzaga - Instagram
Special guest ang actress-singer na si Toni Gonzaga sa premiere ng Season 2 ng Chad Kinis Show (CKS).
Sa panayam ay napag-usapan ang tungkol sa mga naging paboritong leading man ni Toni.
Tanong ni Chad, “Sa mga naging leading man mo, nakita mo ba minsan sa sarili mo na, ‘Ay, ‘di ako bagay d’yan.’ Meron ka bang naging ganu’n sa mga leading man mo? Sino?”
Saad ni Toni, “Oo. Parang sa kanila lahat. Parang nakita ko bagay kami on screen pero ‘pag napi-picture mo kasi, ganu’n siguro ‘yung mga overthinker.
“‘Yung napi-picture mo na 5 years from now, 10 years from now, paano ‘pag nag-away kayo? Paano ‘pag may pinagdaanan kayong ganito? Paano n’yo iha-handle ‘yun?
“Kasi nga nakikita mo ‘yung kung paano sila. So, iniisip mo paano kaya, parang ‘di kami magwo-work sa totoong buhay. So, nakikita mo ‘yun sa mga leading man mo.
“Although, ‘pag nu’ng ‘20s ka, may feelings, mase-set aside mo ‘yung mga ganu’n. So, minsan, make-carried away ka sa feelings. Pero eventually, mare-realize mo na parang ‘di ‘to ‘yung pang-off-camera. Parang pang-on-cam talaga kami magwo-work.”
Dagdag na tanong pa ng host, “Sino ang favorite mo na leading man?”
Saad ni Toni, “Lahat. Lahat-lahat. Wala akong isa lang kasi iba-iba sila lahat ng cuteness at dynamics at saka ng kilig na naibigay sa akin sa lahat ng pelikula.”
Well, at least, bongga ang nakatuluyan ni Toni in real life na si Direk Paul Soriano, isang award-winning film director, producer, at screenwriter. ‘Di ba naman, Alex Gonzaga?
MARAMING artista at personalidad ang nagbigay ng ayuda sa mga jeepney drivers sa Maynila dahil sa krisis sa krudo. Kabilang sa mga kilalang nag-abot ng tulong ay sina Willie Revillame, Kim Chiu, Kyline Alcantara at Awra Briguela.
Sa social media post ni Awra ay nagbahagi siya ng larawan kung saan makikita siya kasama ang mga kaibigan na nagbibigay ng groceries sa mga jeepney drivers.
Saad ni Awra sa post niya, “There’s something powerful about shared intentions. Doing this with friends who have the same principles as me reminded me that helping doesn’t have to be grand, it just has to be genuine.
“From preparing and packing groceries in my own place, to knowing that these will go to jeepney drivers who continue to work hard despite everything they’re facing, every moment felt purposeful.
“This is our small way of giving back, and a reminder that even in uncertain times, kindness will always have a place.
“Big thanks to everyone who became part of this donation drive, especially to Mama Stormi, who started all of this, and to our friends who showed up with their time and heart — Reese, Pixie, Shan, Shine, Sessable, Marco, and Enrico.
“Also to our friends who couldn’t make it today but still chose to help—Kingkong, Super Frince, Melissa, and Fordy—thank you for being part of this in your own way.
“To everyone who donated, from Stormi’s viewers to each and every person who extended their help, we truly appreciate all of you. This wouldn’t have been possible without your kindness and willingness to give.
“What we did may seem small, but it was built on shared effort, genuine intention, and a collective desire to help.
“May God bless you all for the goodness you’ve shared, not just today but in the lives you’ve touched.”
Well, katuk-katok lang po sa nakaka-LL (luwag-luwag) d’yan, baka gusto ninyong gayahin si Awra sa pagbibigay ng simpleng ayuda sa ating mga drivers.
Good job, Awra Briguela!
“PINANGARAP lang noon. Ngayon, totoo na,” ang pahayag ng actress-dancer na si Rochelle Pangilinan sa kanyang Instagram (IG) post matapos mag-share ng larawan habang siya’y nasa Sydney, Australia.
Saad ni Rochelle, “Pinangarap lang noon, ngayon, totoo na. Dreams do come true — just never stop chasing them. Thank you, God. I’ll be forever grateful.”
Korek ka d’yan, Rochelle, samahan lang ng sipag, tiyaga, at dasal.
Samantala, nasa Australia ang SexBomb Girls para sa kanilang Get, Get, Aww! World Tour sa Sydney Coliseum Theater kahapon, April 24, at sa Westgate Indoor Sports sa Melbourne sa April 26.
IBANG feels at level ng kilig ang ihahatid ng pinakabagong tambalan nina Alexa Ilacad at Gelo Rivera sa kauna-unahang vertical drama ng ABS-CBN Studios na The Chambermaid’s Daughter (TCD) na mapapanood sa iWant simula Abril 30 (Huwebes).
Bibida ang hindi inaasahang pag-iibigan ng masipag na hotel room attendant na si Hannah Montano, na ginagampanan ni Alexa, at ng kanyang Koreanong boss na si Daniel Jeon, na ginagampanan ni Gelo, na tuturuan niyang magsalita ng Tagalog bilang private translator.
Pamatay na kilig at mga rebelasyon ang aabangan sa pagpasok ni Hannah (Alexa) sa mundo ni Daniel (Gelo), na babago sa kanyang buhay at susubok sa kanyang katatagan.
Ang The Chambermaid’s Daughter ang unang proyekto ng ABS-CBN Studios sa vertical drama format, na binubuo ng maiikling episodes na madaling sundan at panoorin, at bahagi ng lumalawak na lineup ng vertical dramas ng iWant.
‘Yun lang, and I thank you.




Comments