top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Iba-iba ang paborito… NORA, MAY “FLAVOR OF THE MONTH” SA MGA ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 39 minutes ago
  • 4 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 31, 2026



TALKIES - DIREK BOBOT, UMAMING FIRST LOVE SI VILMA-IG _rikkirikz

Photo: AFP via Getty Images file



Ikinuwento ng aktres na si Matet de Leon kung paano sila pinalaki ng yumaong Superstar na si Nora Aunor at kung paanong hindi nila kailanman naramdaman ng kanyang mga kapatid na may pagkakaiba sa pagtrato sa kanila bilang mga ampon at tunay na anak.


Saad ni Matet, “‘Yung sa amin, alam mo, maikuwento ko lang din sa ‘yo. Never naming naramdaman na adopted. Because, ah, pareho ang turing, eh, sa tunay na anak. Same. Parehas na parehas. Minsan, mas kami pa ang paborito. May mga ganu’n. S’ya, etong buwan na ‘to, s’ya ang paborito,  saka ‘yung dalawang lalaki, sa akin galit. 


“Sa susunod na buwan, ako naman ang favorite saka ‘yung isa kong kapatid. Silang dalawa, ‘yung tunay na anak at ‘yung isang lalaki, sila naman. Si Mommy, meron s’yang flavor of the month. May ganu’n si Mommy. So pare-parehas, eh.


“Pantay-pantay ang turing. Kung sino’ng papagalitan, ikaw ang papagalitan. At anak ka man o ampon o ano, wala, eh.”


Anyway, isa si yours truly sa makapagpapatunay na totoo ang lahat ng sinabi ng anak ni Bok na si Matet de Leon — na pantay-pantay ang tingin at pagmamahal ni Guy sa kanilang magkakapatid.





Kasal, umabot na ng 40 yrs…

BONG, AMINADONG ILANG BESES NASAKTAN AT PINAIYAK SI LANI



IPINAGMALAKI ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla ang kanyang mga magulang na sina Sen. Bong Revilla at Cavite 2nd District Representative Lani Mercado sa pag-abot ng mga ito sa kanilang ika-40 wedding anniversary.


Saad ni Jolo sa post niya, “Happy 40th Civil Wedding Anniversary, Papa at Mama!

“Proud kami sa inyong apat na dekada ng pagmamahalan, sakripisyo, at matatag na pagsasama na naging pundasyon ng ating pamilya. Kayo po ang aming inspirasyon sa tunay na kahulugan ng pagmamahal, respeto, at pagtutulungan sa buhay.


“Maraming salamat sa lahat ng aral, gabay, at walang sawang pagmamahal na ipinadama ninyo sa amin, Papa Bong at Mama Lani!


“Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng malusog na pangangatawan, kaligayahan, at mas marami pang taon ng pagsasama. We love you!”


Samantala, nagkaroon ng renewal of vows sina dating Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado na ginanap sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas Road, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.


Ayon sa ating kaibigan at reporter na si Gorgy Rula na nakasaksi sa kasalan, hindi lang ang mag-asawa ang naging emosyonal kundi pati na rin ang kanilang pamilya at mga piling bisita. 


Dagdag pa niya, nagpahayag din ng mensahe si Sen. Bong para sa kanyang asawa.

Saad ni Sen. Bong, “At Mama, maraming beses kitang nasaktan. Maraming beses kitang binigyan ng dahilan para mapagod. Sorry for the heartbreaks, sorry for the nights you cried silently so our children would never hear your pain. Sorry for every dream you quietly folded away so ours could survive.


“Forgive me for the moments I failed to show you how deeply I value you. For the years when the noise drowned the simple words you deserved to hear every single day.

“Habang tumatanda ako, lalo kong nauunawaan kung gaano kabigat ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin.”


Happy 40th Wedding Anniversary, Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado! 

Sure si yours truly na malalampasan at maaayos din ninyo ang anumang naging problema ninyo dahil mabuti kang tao, Sen. Bong. God bless your beautiful marriage!





Hindi lang isa, marami raw!

WENDELL, UMAMING MILYONES ANG KAPALIT NG MGA INDECENT PROPOSALS



UMAMING nakatanggap ng maraming indecent proposals ang aktor na si Wendell Ramos noong kasagsagan ng kanyang kasikatan, kabilang ang mga alok na puwede sanang magpabago sa direksiyon ng kanyang buhay at karera.


Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Noong kapanahunan mo, Wendell, did you get indecent proposals?”


Saad ni Wendell, “A lot. Yes po.”


Dagdag na tanong ni Boy, “Paano ginagawa ‘yun noong time n’yo? Letters, I mean. You know, calls. How?”


Saad ni Wendell, “I have this cousin of mine, minsan, kaibigan, dumadaan. So, ‘di mo alam kung seryoso ba, Tito Boy, but it’s kind of flattering kasi parang, wow! ‘Yung mga inaalok nila, ‘di rin s’ya biro.”


Hirit na tanong ni Boy, “Ano’ng iniaalok?”


Saad ni Wendell, “Something na parang puwedeng tamarin ka na, maging reason para tamarin ka nang mag-work.”


Tanong pa ni Boy, “You’re talking about millions of money and house and lot and a car?”

Saad ni Wendell, “Mayroong ganu’n, Kuya Boy, na tinatanong mo rin ang sarili mo. I’m asking myself, totoo ba ‘tong ganito? Pero parang totoo, legit naman sila. 


“But anyway, Tito Boy, the thing about it, du’n ko lang naisip ‘yung itinuro sa atin ng our parents, na masarap na nakakatanggap ka ng ganu’n at nakakataba ng puso minsan.


“Pero kasi, ang ‘di lang din maganda, Tito Boy, minsan kakainin ka rin kung medyo mahina-hina ‘yung loob mo. ‘Di ko sinasabing perpekto ako, Tito Boy, pero puwede kang kainin ng situation, na puwedeng maging reason ng downfall mo sa work mo. That’s why siguro I feel blessed pa rin po, Tito Boy, na naiahon ko ‘yung mga anak ko sa dapat kong gawin. ‘Di ako naging perpektong tao but in a way.


“So far, alam ko na kung ano man ‘yung meron kami at ang naitaguyod kong pamilya is because of God’s grace and hard work.”


Well, big tumpak ka d’yan, Wendell! At least, kahit hindi mo tinanggap ang mga indecent proposals, boom, patok ka naman sa work mo, ‘di ba, mga madlang people?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page