IATF, nag-Alert Level 2 kahit libu-libo ang COVID-19 cases
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 1, 2022
ALAM NI LEODY DE GUZMAN NA WALA SIYANG PANALO SA HALALAN, PERO LUMARGA PA RIN–Itinuloy pa rin ni Leody de Guzman ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ang pagtakbong pangulo.
Karapatan ni De Guzman na kumandidato, kaya lang sana ay inisip niya kung may panalo ba siya o wala kasi kung pagbabasehan ang nakuha niyang mahigit 800-K votes lang (wala pang isang milyong boto) noong 2019 elections nang tumakbo siya sa pagka-senador, alam niyang wala siyang panalo sa 2022 presidential election.
Dahil hindi nagpapigil at join sa laban sa presidential election, tingin tuloy ng publiko kay De Guzman ay ambisyosong pulitiko at panggulo lang sa halalan, period!
◘◘◘
WALANG DISKARTE ANG COMELEC, ‘NGANGA’ PA RIN KUNG PAANO MAIIWASAN ANG HAWAAN NG VIRUS SA PANAHON NG KAMPANYA–Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na guidelines ang Comelec sa sistemang gagawin sa pangangampanya ng mga kandidato ngayong panahon ng pandemya.
Mantakin n’yo, ngayong Feb. 8, 2022 ay start na ang kampanya sa national positions, pero ang Comelec ay wala pa rin inilalatag na diskarte o health guidelines sa pangangampanya.
Kaya naman, kapag lalong dumami ang COVID-19 cases sa ‘Pinas sa campaign period, walang ibang dapat sisihin kundi ang Comelec, period!
◘◘◘
BALIGTAD ANG MUNDO NG MGA TAGA-IATF–Ibinaba ng IATF (Inter-Agency Task Force) sa Alert Level 2, mula sa dating Alert Level 3 ang Metro Manila at ilang karatig lalawigan kahit pumapalo pa rin sa mahigit 17-K ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.
D’yan makikita na baligtad ang mundo ng mga nasa IATF kasi noong March 2020 nang umabot sa mahigit 200 ang COVID-19 cases sa Pilipinas ay nataranta agad sila, kung saan isinailalim sa lockdown ang buong Luzon, pero ngayong libu-libo ang tinatamaan ng virus araw-araw, nagbaba pa ng alert level, boom!
◘◘◘
BAKA LALONG SUMADSAD ANG KANDIDATURA NI LACSON KAPAG ININDORSO SIYA NI P-DUTERTE–Hangad na rin ni presidential candidate, Sen. Panfilo “Ping” Lacson na makuha ang endorsement ni P-Duterte.
Kung inaakala ni Lacson na makatutulong sa kanya ang endorsement ni P-Duterte para tumaas ang rating niya sa survey ay nagkakamali siya kasi sa dami ng nabuwisit na mamamayan sa kapalpakan at kapabayaan ng Duterte gov’t. sa tugon sa laban sa COVID-19, baka lalo pang sumadsad ang kanyang kandidatura, period!





Comments