- BULGAR
"I'm very proud of you, maraming salamat"- PD30
ni GA - @Sports | June 2, 2022

Ikinarangal ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Filipinong atletang nagsipagwagi ng medalya sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.
“President Duterte was very pleased by the performance of our athletes in the last Vietnam SEA Games and doubling their incentives is his way of recognizing and showing his appreciation for their efforts,” ayon kay PSC Chairman William Ramirez sa courtesy call ng PHL contingent sa Malacanang nitong Martes ng gabi.
Kabilang sa nagbigay-pugay sa mga atleta sina Executive Secretary Salvador Medialdea, POC President Abraham “Bambol” Tolentino, PSC commissioner CDM Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey, Arnold Agustin, at House Committee on Youth and Sports Chairman Rep. Faustino Dy III,
“I am so proud of you,” saad ni P-D30 sa SEAG medalists na nakatanggap din ng dobleng insentibo sa kanilang mahusay na performance. “Please know that I really recognize all the tedious preparations you have made to perform your best in this regional sports competition. Just like a father to every Filipino, I am very proud of you,” dagdag ni Duterte sa mga atleta, coaches at sports officials na dumalo sa reception na ginanap sa Rizal Hall. “I wish you all a good life para sa ginawa ninyo sa bayan. I would like to say to all of you, maraming, Maraming Salamat.”
Nakalikom ng pinakamalaking insentibo si gymnasts Carlos Edriel Yulo sa halagang P1.6-M mula sa 5 gold at 2 silver na napanalunan mula sa iba’t ibang events kung saan aabot na sa tumataginting na P3.2-M ang maibubulsa nito.
Ang tandem nina Sean Mischa Aranar at Ana Leonila Nualla, na may 3 gold medal ay tatanggap ng P1.8-M kada isa, habang ang double gold medalists na sina Kim Mangrobang sa women’s triathlon at duathlon events at si Rubilen Amit ng billiards sa women’s 9-ball at 10-ball competitions ay may P600,000 kada isa para sa bawat gold medals.
Kasunod nito muling nakatanggap ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong Kamagi ang ilang medalists sa incentives ceremony ni Pangulong Duterte. Kabilang sa mga nakatanggap ng parangal si billiards legend Efren “Bata” Reyes, na naka-bronze sa men’s 1-cushion carom singles.