- BULGAR
Huwooooow! P18 MILYON, OOTD NI ALDEN SA RED CARPET SA NEW YORK
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | May 22, 2022

Nakakalula naman pala ang halaga ng OOTD (outfit of the day) ni Alden Richards nang dumalo ito sa red carpet premiere ng Stranger Things Season 4 sa New York kamakailan.
Well, nagkakahalaga lang naman ito ng tumataginting na almost P18M!
Dahil nga high-profile ang event, pinaghandaan talaga at ginastusan ito ni Alden. From head to toe ay nakasuot ang aktor ng Christian Dior.
Sa article na inilabas ng Preview Ph, it was revealed na ang belted blue jacket na suot ni Alden ay nagkakahalaga ng $2915.15 (approximately P153,090).
Ang pants naman nito called Classic Pants in Black Wool Twill ay nagkakahalaga ng $878 (approximately P43,900).
Ang suot naman nitong sapatos na Carlo Derby Shoe ay may halagang $1100 (approximately P55,000).
Lastly, ang Nautilus Rose Gold Patek watch na suot ng aktor ay nagkakahalaga ng $345,000 (approximately P17,250,000).
Likas nang guwapo si Alden pero mas lalo pang kumisig dahil sa kanyang yayamaning OOTD.