Search
  • BULGAR

Huwag ipilit kay Golovkin, masasaktan lang si Pacman

Updated: Jun 25

ni MC - @Sports | June 24, 2020




Iginiit ng longtime trainer ni Gennady Golovkin na masasaktan lang ng kanyang alaga si Manny Pacquiao kapag nagsagupa sila.


Kasunod ng pagbanggit ni coach Freddie Roach na posibleng umakyat sa middleweight si Pacman para harapin si GGG, natuon ang atensiyon sa dalawang legendary fighters para sa 154 pounds (super welterweight).


Sa panayam ng World Boxing News na isinulat ni John Tan, nagbigay ng analysis si Sanchez sa GGG vs. Pacman fight. Una nang kinumpirma ni Sanchez na kayang bumanat ni Golovkin sa super welterweight pero mahirap ito. Sa pagharap kay Pacman sa 154 ayon sa veteran trainer na posible ito sa kabila ng problema niya dahil mas gamay ni Pacman ang welterweight division.


"Manny Pacquiao is at the point where he really does not need any of the young champions, so that is a big step. I think it would be difficult to make the weight comfortably. And if there is a rehydration limit, that makes it more difficult for Golovkin," paliwanag ni Sanchez.


Aminado naman ang 71-anyos na si Sanchez na baka maubusan ng hangin si Golovkin, lalo na't mabilis ang mga kamao ni Pacman. Gayunman, hindi kapareho ni Golovkin si Margarito, ang pinakamalaking nakalaban ni Pacman.


"Having to drain himself to make 154. Plus being drained and sluggish because of weight loss, could be a problem and with Manny's hand speed? Manny Pacquiao is a small fighter. I believe he started as flyweight, so the size difference would make a difference. I see Manny having his moments early in the fight, but Gennady Golovkin will hurt Manny, " ani Sanchez.


Matatandaan na kahit mas maliit si Pacman, nabugbog pa rin nito ang bigating si Margarito at nagwagi via unanimous decision para sa World.Boxing Council light middleweight belt sa Texas noong nakaraang 10 taon.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.