top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated

Huwag hintayin ang trahedya bago kumilos para sa OFWs

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

by Info @Editorial | June 8, 2026



Editoryal, Editorial


Nakababahala ang balitang tatlong Pilipino ang nasugatan matapos bombahin ang paliparan sa Kuwait. 


Bagama’t agad silang nabigyan ng tulong, ipinapakita ng insidenteng ito na tunay na nanganganib ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa mga bansang apektado ng kaguluhan at digmaan.


Dahil dito, dapat tiyakin ng pamahalaan na mahigpit at tuluy-tuloy ang pagmo-monitor sa kalagayan ng mga OFW. 


Hindi sapat ang paghihintay na may mangyaring sakuna muna bago kumilos. Kailangang may malinaw na plano para sa agarang komunikasyon, paglikas, at pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong maaaring maipit sa labanan.


Marami sa ating mga kababayan ang nasa ibang bansa upang maghanapbuhay at suportahan ang kanilang pamilya. Nararapat lamang na mabigyan sila ng sapat na proteksiyon lalo na kung nasa lugar silang may banta ng giyera. 


Ang nangyari sa tatlong OFW sa Kuwait ay paalala na anumang oras ay maaaring malagay sa panganib ang kanilang buhay.


Kaya naman, mas paigtingin ng gobyerno ang pagbabantay at paghahanda para sa kaligtasan ng ating mga kababayan sa ibang bansa. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page