top of page

Huwag gawing negosyo ang pagkandidato

  • BULGAR
  • May 1, 2022
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | May 1, 2022


MAYO na, buwan na ng ulan.


Walang nag-aayos ng mga kanal.


◘◘◘


BUWAN din ng bulaklak ang Mayo.


Kakambal ito ng Oktubre kung saan araw-araw din ang pag-usal ng Holy Rosary ng mga Katoliko.


◘◘◘


SA pulitika, ito naman ang buwan ng eleksyon.

Ang halalan ay siyang pinakasagradong okasyon sa isang demokratikong gobyerno.


Ang paghahalal ay siyang kaluluwa ng isang malayang bansa — ito ang pundasyon ng katatagan ng isang Republika.


◘◘◘


HINDI dapat ipagpaliban ang petsa ng eleksyon na itinakda mismo ng Konstitusyon.


No.1 dapat na prayoridad sa budget ang eleksyon — hindi ito dapat panghihinayangan dahil 'yan mismo ang dugo at buhay ng demokrasya.


◘◘◘


KAKAUNTI sa mga kandidato ang nakakaunawa sa esensiyon ng halalan.


Marami sa kanila ay ginagawang “negosyo” ang pagkandidato — 'yan ang nagpapabulok sa ating pamahalaan.


◘◘◘


DIGITAL environment na ang nararanasan natin, pero sino ang ganap na nakakaunawa nito?


Wala.


◘◘◘


TANGING ang mga kabataan ang may sapat na pang-unawa sa digital system.


Pero, hindi ito ganap na nauunawaan ng henerasyon, mayroon nang bagong teknolohiya na sumasapaw dito.

Ito ay ang metaverse.


◘◘◘


MULA sa digital world, maghuhunos ito tungo sa ganap na metaverse.

Sa metaverse, magsasanib-sanib ang pagkilos at galaw ng isang lipunan.


◘◘◘


ANG mga batas ay dapat iniaangkop na agad sa digital environment at metaverse system.


Pero, paano ito mauunawaan ng mga kandidatong walang inaatupag kundi ang magnakaw gamit ang pork barrel?


◘◘◘


DAPAT ipaubaya sa mga kabataan ang paghawak ng gobyerno.


Alisin sa gobyerno ang mga retiradong heneral at retirado sa gobyerno.


◘◘◘


KAILANGAN ng gobyerno sariwang-sariwang enerhiya ng mga kabataan.


Walang kandidato na tumatalakay ng ganyang plataporma at ideya na tunay na magsusulong ng ganap na pagbabago sa ating henerasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page