top of page

Huby bumanat sa Stage 10, Cliqq road bike lumakas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Elyssa Nichole @Sports | May 10, 2026



Nauna sa finish line ng Stage 10 si Frenchman Antoine Huby ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Team mula sa Bessang Pass sa Cervantes, Ilocos Sur sa  MPTC Tour of Luzon 2026 kahapon na naorasan ng 3:32.01. (mptcpix) 

Photo: Nauna sa finish line ng Stage 10 si Frenchman Antoine Huby ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Team mula sa Bessang Pass sa Cervantes, Ilocos Sur sa  MPTC Tour of Luzon 2026 kahapon na naorasan ng 3:32.01. (mptcpix) 



Cervantes, Ilocos Sur - Nagparamdam ng lakas ang 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines nang agawin nila ang overall sa Team General Classification matapos magwagi ni French rider Antoine Huby sa mahirap na Stage 10 ng MPTC Tour of Luzon na nagsimula sa Candon City at nagtapos sa Bessang Pass Natural Monument dito.


Maliban kay Huby, may dalawang riders pa mula sa 7Eleven Cliqq Roadbike Philippines ang dumating sa top ten ito'y sina Ronnilan Quita (3rd) at Jonel Carcueva (6th) kaya naagaw nila ang top spot sa TGC kung saan ay dati itong hawak ng Go For Gold Philippines.


Nakalikom ang 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines ng 111 oras: 37 minuto at 57 segundo sapat para kapitan ang top sa team race, laglag sa pangalawa ang Go for Gold Philippines kung saan ay naghahabol na sila ng 5 minuto at 28 segundo habang nasa pangalawa ang LCW UAE Cycling team.


Inirehistro ni 25-year-old Huby ang tatlong oras, 32 minuto at isang segundo sa 131.20 kms. Candon - Bessang Pass sa karerang suportado ng Metro Pacific Tollways Corp., Manny V. Pangilinan Group of Companies at Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni chairman Patrick "Pato" Gregorio.


Dumating na segundo si Russian rider Nikita Shulchenko ng LCW UAE Cycling team kaya mananatili sa kanya ang yellow jersey paglarga ng 158.70 kms. Stage 11 Candon City - San Juan La Union ngayong araw.


May kabuuang 29 oras: 34 minuto at 44 segundo si Shulchenko sapat para manatili sa unahan ng Individual General Classification, pangalawa pa rin ang teammate nitong si Syrian cyclist Ibrahiem Yousef Alrefai.


Umakyat sa pangatlo si Huby na tatlong minuto at 56 segundo ang hinahabol kay Shulchenko habang pang-apat si Quita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page